Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach says she is happy with Dr. Mike

Pia Alonzo-Wurtzbach says Dr. Mike is respectful of the fact that her priority is being Miss Universe. She says, "He knows that this is my life right now, and I have the organization behind me, WME/IMG [owner of Miss Universe Org], and Philippines behind me, and he respects that."


Nagsalita na si Miss Universe 2015 Pia Alonzo-Wurtzbach tungkol sa napapabalitang relasyon nila ng New York-based physician na si Mikhail Varshavski o Dr. Mike, na tinagurian ding 'Sexiest Doctor Alive' ng People Magazine noong 2015.

Umuwi sa Pilipinas kamakailan si Pia at naging bahagi pa ng panel na nag-screen sa Binibining Pilipinas 2016 candidates nitong Martes, March 29, sa Novotel Hotel, sa Cubao, Quezon City.

Dito ay tinanong siya tungkol sa pakikipag-date niya kay Dr. Mike.

Nali-link man ngayon ang Pinay beauty queen sa American doctor, sinabi ni Pia na ang kanyang titulo bilang Miss Universe pa rin ang kanyang prayoridad.

Pahayag niya sa panayam ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN News, “Well, as I said before, Miss Universe is still my priority.

“I’ve been working to get this title for a very long time and I love my job, I really do.

“I’m very passionate about it and it’s gonna stay that way for a long time.”

Nang direkta siyang tanungin kung masaya siya kay Dr. Mike, sagot ni Pia, “Well, yes.

“I mean, kasi bago pa lang ako sa New York, mga three months pa lang naman ako dun, maganda rin yung mayroon kang nakikilala, di ba?”

Paiwas naman ang naging tugon ni Pia nang tanungin kung sila na ba ni Dr. Mike.

“He’s been very respectful in knowing that my priority is Miss Universe and I appreciate that very much.

“He knows that this is my life right now, and I have the organization behind me, WME/IMG [owner of Miss Universe Org], and Philippines behind me, and he respects that.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN