Ian de Leon reminds motorists to be careful: "Hindi natin kayang karerahin ang buhay o kamatayan."

Ian de Leon's message to motorists: "Kung tayo nakakakuha ng lisensiya, ibig sabihin naiintindihan natin yung mga patakaran na inisyu sa atin ng gobyerno bilang mga motorista. Hindi tayo kailangang kumarera o makipagkarera kaninuman. Kasi pagdating ng sakuna o aksidente, tayo at tayo rin ang magsisisi. Hindi natin kayang karerahin ang buhay o kamatayan."


Ang pagdadala ni Ian de Leon sa isang batang naaksidente sa ospital kamakailan ay hindi ang unang pagkakataong tumulong siya sa mga naaksidenteng motorista.

Ilang taon na ang nakalilipas ay may nailigtas na rin siya mula sa isang sakuna.

Lahad ng anak nina Nora Aunor at Christopher de Leon, “Doon ako nag-stay kay Ate Lot [Lotlot de Leon], sa Tandang Sora.

“Ano naman, siya nagda-drive ako, kasama ko si Anggo [the late personal assistant of his mom], galing kaming taping.

“Nasa East Avenue kami pa-Quezon City Memorial Circle, malapit na kami sa pa-right, may nagkakarera!

“E, malapit na yung paliko, yung pa-right, eto kami…

“Kasi three lanes yun, e, dito ako sa may pinaka-right lane.

“Yung isa nag-slow down na, eto hataw pa rin, pininahan pa akong ganun.

“Pagpina sa aking ganun, huli na siyang magpreno, tumaob yung kotse, gumulung-gulong sa harapan namin. Nakapagpreno ako.

“Tapos baba ako ng kotse, tinulungan namin ni Anggo, dinala namin sa ospital.

“Mga lasing. Iniwan na lang namin sa ospital. Hindi na kami pina-stay.”

Bukod dito, may isa pang insidente na mga babaeng lasing naman daw ang naaksidente sa Greenhills na dinala rin ni Ian sa ospital.

“Ganun din, nag-overtake sa akin, hataw siyang ganun. Tumama siya sa gutter, biglang tumaob rin, akala ko nga mahuhulog sa flyover.

“Mga babae, tatlo, mga nakainom, dinala ko rin sa ospital,” sabi ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

DRIVE SAFELY. Dahil sa mga naging karanasan ni Ian, hiningan namin siya ng mensahe para sa mga motorista.

“Please, please, please... Kasi ako, I also had my fair share of accidents, hindi worth yung gigil sa pagmamaneho.

“Hindi worth yung pataasan ng pride, magbigay na lang tayo, maging disciplined drivers tayo.

“Kasi tayo, mga motorista tayo, responsibilidad natin ang maging maingat sa kalye.

“Lalo na, na alam natin na may mga batang naglalaro, may mga matatandang hindi makakilos nang maayos, may mga tumatawid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam din nating may mga taong hindi sumusunod sa mga patakaran, so tayo na lang ang mag-iingat.”

Patuloy niya, “Kung tayo nakakakuha ng lisensiya, ibig sabihin naiintindihan natin yung mga patakaran na inisyu sa atin ng gobyerno bilang mga motorista.

“Hindi tayo kailangang kumarera o makipagkarera kaninuman.

“Kasi pagdating ng sakuna o aksidente, tayo at tayo rin ang magsisisi.

“Hindi natin kayang karerahin ang buhay o kamatayan.

“Alam nating magulo sa kalye, maging disiplinado tayo.

“Isipin na lang natin na puwedeng maging anak natin ang maaksidente ng ibang tao, puwede nating maging nanay o tatay, lolo o lola, sinumang mahal natin sa buhay.

“Isipin na lang natin iyon, lalo na sa mga medyo kabataan pang nagmamaneho ngayon, yung mga gigil pa sa pagmamaneho.

“Maging maingat tayo.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN