Claudine Barretto tells bashers to stop comparing her daughter with Judy Ann Santos's daughter

Claudine Barretto's message to bashers: "FYI PO Judy Ann and I have always been friends! & FYI AKO PO ANG TUMULONG AT NAG AYOS NG PAPERS NI YOHAN!!! @officialjuday. Hindi po ito competition, mga nanay lang po kami nagkakaisa at nagtutulungan," wrote Claudine Barretto in her March 29 Instagram post. 


Kinondena ni Claudine Barretto ang ilang netizens na pilit na iniintriga ang magandang samahan nila ng kapwa-aktres na si Judy Ann Santos.

Lalo pa’t pati mga anak nila ni Judy Ann ay tila ginagawan din umano ng isyu.

Buwelta ni Claudine, base sa kanyang Instagram post kahapon, March 29: “To those who keep comparing my daughter Sabina and Juday's daughter Yohann please stop nyo po yung kababawan nyo.”

Si Sabina ay adoptive daughter ni Claudine, habang si Yohann ay adoptive daughter ni Judy Ann.

Kalakip din sa naturang post ang pagbabahagi ni Claudine tungkol sa lalim ng pagkakaibigan nila ni Judy Ann.   

Makikitang naka-tag din si Judy Ann sa post ni Claudine, marahil ay upang makarating sa una ang isyu.

Paliwanag pa ni Claudine, “FYI PO Judy Ann and I have always been friends! & FYI AKO PO ANG TUMULONG AT NAG AYOS NG PAPERS NI YOHAN!!! @officialjuday

“Hindi po ito competition, mga nanay lang po kami nagkakaisa at nagtutulungan.

“Uulitin ko po, ako po ang nag AYOS NG PAPERS NI YOHAN.

“’Yan po ang bond shine share namin na hindi nyo po alam.”

Minsang itinuring na showbiz rivals sina Judy Ann at Claudine, na halos magkasabayang nakilala bilang artista, lalo na noong panahong pareho pa sila ng kinabibilangang home network.

Gayunman, iginiit ni Claudine na malaki ang respeto niya kay Judy Ann mula noon hanggang sa kasalukuyan.

Aniya, “My respect for Juday as a mother & her respect for me as a mother will forever be appreciated.

“Eto po ang totoo na d namin kinailangan ipagmalaki, na sa makikitid ang utak sana maintindihan po ninyo.

“Godbless u all.”

@officialjuday

A photo posted by @claubarretto on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN