Alden Richards and Maine Mendoza to launch new project in July

Alden Richards and Maine Mendoza announce that they will have a special anniversary gift to AlDub Nation on July 2016.


May magandang balita sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa AlDub fans.

Ito ay ang kanilang bagong proyekto na ilu-launch daw sa Hulyo, in time para sa kanilang unang anibersaryo bilang magka-love team.

Matatandaang unang nabuo ang phenomenal loveteam nina Alden at Maine noong July 16, 2015 sa "Juan for All, All for Juan" segment ng noontime variety show na Eat Bulaga.

Magkasamanag inanunsiyo nina Alden at Maine ang kanilang bagong project sa launching nila bilang endorsers ng clothing at grooming brand na Bench at Bench Fix, na ginanap sa Activity Center ng TriNoMa Mall, sa Quezon City, nitong Miyerkules, March 30.

Sabi ni Alden, “Mayroon po kaming surprise sa buong AlDub Nation. It's for you to find out!”

Wala mang clue na ibinigay tungkol sa kanilang bagong proyekto, pero sabi ni Alden, “It's something everyone has been waiting for.

“Para po sa inyong lahat iyon. Abangan niyo po 'yan.

Pabiro pang dagdag ng Pambansang Bae, “SOCO pa more! SOCO pa more! Kayang-kaya nila 'yan.”

Ayon naman kay Maine, ito ang magsisilbing anniversary gift nila ni Alden para sa kanilang mga tagasuporta.

“It's for you to find out pero tiyak na matutuwa kayo [AlDub Nation].

“Maganda, magandang anniversary gift iyon sa inyo,” sabi ng tinaguriang Pambansang Bae.

Usap-usapang magkakaroon muli ng pelikula sina Alden at Maine na sila na ang bida.

Una silang nagtambal sa big screen sa MMFF 2015 entry na My Bebe Love (#KiligPaMore) kung saan nakasama nila sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.

Maliban dito, may bulung-bulungan ding sila ang magbibida sa Pinoy version ng hit Koreanovela na My Love From The Star.

PEPsters, ano sa tingin niyo ang magiging proyekto nina Alden at Maine sa kanilang unang anibersaryo bilang magka-love team?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN