Maja Salvador shows support to best friend Kakai Bautista: "You deserve someone who is sure about you."

Nagpaabot ng suporta si Maja Salvador sa tila may pinagdadaanan ngayong kaibigan niya na si Kakai Bautista. Sa pamamagitan ng Instagram, sinabi ni Maja na mahahanap din nito ang lalaking tunay na magmamahal sa kanya. Kasama nila sa larawan ang isa pa nilang kaibigang si Thou Reyes.


Nagpakita ng suporta si Maja Salvador sa best friend niyang si Kakai Bautista.

Hindi man tuwirang umaming nasasaktan si Kakai sa nangyaring pagka-friendzone sa kanya ni Ahron Villena, tila ramdam naman ng marami niyang followers ang kanyang pinagdadaanan.

Hindi rin siguro ito lingid sa kaalaman ng matalik na kaibigan niyang si Maja.

Kagabi, March 30, nag-post si Maja sa Instagram ng isang kasabihan tungkol sa pag-ibig:

“You deserve something you don’t have to question. You deserve someone who is sure about you. R.H. Sin”

Nakalagay sa caption: “You deserve me @ilovekaye.”

You deserve me @ilovekaye �

A photo posted by MAJASTY� (@iammajasalvador) on

Sumagot naman dito si Kaye.

Saad naman ni Maja:

Kahapon din, binura na ni Ahron sa kanyang Instagram account ang posts niya kasama si Kakai.

Itinira lamang nito ang group photos nila noon at ang nakaraang bakasyon nila sa Hong Kong.

Read: Ahron Villena deletes his photos with Kakai Bautista on Instagram

Sa kanya namang Instagram, nag-post din si Kakai ng larawan nila ni Maja kasama ang isa pa nilang matalik na kaibigang si Thou Reyes.

Saad niya sa caption: “US THREE. POWER OF THREE. I love you both so mats. @iammajasalvador @thou_ism"

US THREE. POWER OF THREE.��� I love you both so mats. @iammajasalvador @thou_ism

A photo posted by Catherine Bautista (@ilovekaye) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN