Maine Mendoza on living the dream: "Yung akala kong imposible, nangyayari na ngayon."

Maine Mendoza says she remains the same despite her success in showbiz: "Personally, parang wala... wala pa rin po. Kahit noong simula ng pagpasok ko dito, yung tingin ko sa mga bagay-bagay, perspective, ganun pa rin."


Overwhelmed pa rin hanggang ngayon si Maine Mendoza sa lakas ng suportang ibinibigay ng AlDub Nation sa kanilang dalawa ng ka-love team niyang si Alden Richards.

Kagaya na lamang kagabi, March 30, nang sabay silang ilunsad bilang pinakabagong endorsers ng Bench family; si Maine para sa clothing apparel at scents at si Alden naman para sa grooming products.

Umapaw ang mga tao sa Activity Center ng TriNoMa Mall, sa may Quezon City, na gustong masilayan ang itinuturing na phenomenal loveteam.

Ayon kay Maine, “Honestly, akala ko po talaga, walang pupunta.

“Kaya paglabas ko, sobrang tuwa ko na makakita ng maraming tao.

“Nakita ko nga rin po sa Twitter na 7 A.M. pa lang, sobrang may nakapila na.

“Kaya sobrang nakakatuwa.”

Bukod sa Bench, nasa lagpas 20 na ang endorsements ni Maine, kung saan karamihan dito ay magkasama sila ni Alden.

Ito ay sa kabila ng wala pa siyang isang taon sa showbiz industry.

Ano sa palagay ni Maine ang mayroon sa kanya na epektibo at binibili talaga ng mga tao ang anumang iendorso niya?

“Hindi ko po alam, hindi ko po talaga alam,” sagot ng Eat Bulaga! mainstay.

Dagdag niya, “Honestly, mismong ako nagugulat kung bakit nangyayari yung ganung bagay.

“Maski na yung sa colognes, sa fifteen minutes ubos agad.

“Parang very surreal para sa akin na ganun yung nangyari.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Abante Tonite si Maine sa backstage ng TriNoMa Activity Center bago ang meet-and-greet nila sa fans.

SURREAL. “Surreal” pa rin ba ang nararamdaman niya kahit halos isang taon na siya sa showbiz at isa sa itinuturing na pinakasikat na TV personality sa bansa?

Sagot ni Maine, “Opo naman, kung ano pa rin po ang nakikita nila, yun pa rin po yun.

“Wala naman po akong pinipigilan at pinu-force ang mga bagay-bagay.”

Is she living her dream now?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

She’s really living her dreams now?

“Yes!” mabilis niyang sagot.

“Kasi finally, yung akala kong imposible, nangyayari na ngayon.

“I’m finally living the dream.”

Mula sa pagiging ordinaryong dalaga, ngayon, halos lahat ng galaw niya ay inaabangan ng marami.

May mga nabago ba sa kanya ang showbiz?

Sagot ni Maine, “Personally, parang wala... wala pa rin po.

“Kahit noong simula ng pagpasok ko dito, yung tingin ko sa mga bagay-bagay, perspective, ganun pa rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN