Luis Manzano lauded for helping stranger in biking accident

Isang simpleng dasal lamang ang hinihinging kapalit ni Luis Manzano mula sa isang natulungan niyang pastor na naaksidente habang nagbibisikleta. Sabi ng natulungan ni Luis: "Thank you to none other than @luckymanzano who came to my rescue and became the good samaritan. May God bless you a hundred-fold."

 


Pagkatapos purihin ng netizens ang aktor na si Ian de Leon dahil sa pagliligtas nito sa isang batang naaksidente, isa na namang celebrity ang pinupuri ngayon dahil sa ginawa nitong pagtulong sa isang biker na naaksidente sa daan.

Ito ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

Isang pastor na nagngangalang Jonas Bernales ang nag-post sa Instagram ng kanyang pasasalamat kay Luis dahil sa pagtulong nito sa kanya.

Ayon sa Instagram post ni Bernales noong March 28: “Got into a major accident riding my fixee down tempo drive... couldn't remember a thing.

“I woke up in the hospital. Thank you to none other than @luckymanzano who came to my rescue and became the good samaritan.

"May God bless you a hundred-fold. #howcanirepay let's meet up.”

Sa comments section ay sumagot ang Celebrity Playtime host.

Sinabi ni Luis na walang kapalit ang kanyang ginawa kundi isang simpleng dasal din lang para sa kanya.

May isang kaibigan ni Pastor Bernales ang pumuri rin kay Luis sa ginawa nitong kabayanihan.

A GOOD SAMARITAN. Sa pamamagitan ng Twitter, nagpasalamat ulit ang pastor kay Luis.

Sabi niya: “@luckymanzano thanks for being the good samaritan and stopping to help a stranger. God bless you back a hundred fold.”

Labis din ang pasasalamat ng anak nitong si Jas sa TV host-actor.

Marami ang natutuwa sa balitang pagtulong na ito nina Luis at Ian sa mga estranghero, lalo na't kilalang magkaribal sa showbiz ang kanilang mga ina.

Si Luis ay anak ng Star For All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos, habang si Ian naman ay anak ng Superstar na si Nora Aunor.

Pereho ring award-winning actors ang ama ng dalawa; ang ama ni Luis ay si Edu Manzano at ang ama naman ni Ian ay ang Drama King na si Christopher de Leon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN