Kris Aquino admits 'feeling a bit low' over Kris TV replays

Inamin ng TV host-actress na si Kris Aquino na medyo nalulungkot siya dahil sa patuloy pa ring pagpapalabas ng replay episodes ng kanyang dating show na Kris TV, habang hinahanda pa ang show na papalit dito. Kasalukuyang nasa Hawaii si Kris, kasama ang mga anak na sina Joshua at Bimby, para sa isang 'welness vacation.'


Kasalukuyan pa ring nasa 'wellness vacation' si Kris Aquino at ang dalawa niyang anak na sina Joshua at Bimby sa Hawaii.

Katulad ng ipinangako ng Queen of All Media, magbibigay pa rin siya ng update sa kanyang fans at followers sa mga pangyayari sa kanilang bakasyon.

Ngayong araw, March 31 [March 30 sa Hawaii], nag-post si Kris ng bagong larawan sa Instagram kung saan nagpa-picture sa kanya ang maraming fans.

Nabanggit niya rito na nalulungkot siya dahil ipinapalabas pa rin sa ABS-CBN ang replays ng dati niyang show sa ABS-CBN na Kris TV, habang hinahanda ang kapalit nitong show.

Saad ng TV host-actress, “My mom would always remind me to be grateful whenever people asked to have a picture taken, because it was a sign of appreciation.

“We went to a warehouse club today, our 1st time... I'll admit, I was feeling a bit low these past few days realizing that they're airing Kris TV replays while preparing the new show to replace me in a couple of weeks...

“There were nonstop selfies & I think my mom just wanted to remind me how blessed I've been to have touched so many lives & moving on isn't really something to fear but something to look forward to.

“And that's because looking back at my 20 years on TV, you gave me so much of your time, attention & affection. #Mahalo

Ang salitang ‘mahalo’ ay Hawaiian word na ang ibig sabihin ay salamat.

SURREAL. Sa kasunod na post ni Kris, ipinakita naman nito ang photo collage ng yumao niyang ina na si dating Pangulong Corazon "Cory" Aquino at ang kanyang kuya na si Pangulong Noynoy Aquino.

Marami raw ang nagsasabing magkamukha si PNoy at ang bunsong anak ni Kris na si Bimby.

“Several friends had my mom's picture w/ a young PNoy in their Facebook feeds—the caption was, ‘Pres. Cory Aquino with Bimby?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It's surreal to see how much Bimb looks like his Tito Noy... Bimb even said, ‘Wow Tito Noy had a llot of hair before.’

“Happy last day of March to all of you back home, it's just March 30 sunset here.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN