Cristine Reyes traumatized by controversy with Vivian Velez

Na-trauma daw si Cristine Reyes sa nangyaring kontrobersiya sa kanila ni Vivian Velez. Pero hindi raw talaga siya hihingi ng paumanhin sa beteranang aktres.


Aminado si Cristine Reyes na na-trauma siya sa kontrobersiyang kinasangkutan nila ng dati niyang co-star sa Tubig at Langis na si Vivian Velez.

Matatandaang nag-resign si Vivian sa panghapong teleserye nila sa ABS-CBN dahil hindi raw niya matanggap ang pambabastos ni Cristine sa kanya sa set.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vivian Velez resigns irrevocably from Tubig at Langis because of Cristine Reyes

Matapos ang halos isang buwan mula nang pumutok ang isyu, okay na ba siya ngayon?

Sagot ni Cristine, “Okay ba ako? Ano ba?

“Siguro I’m blessed to have the people around to support me. And made me realize that this business is really sometimes cruel.

“But then I have to be surrounded with people that truly cares for me.”

Naka-move on na ba siya mula sa kanilang sagutan ng beteranang aktres?

Ayon sa Kapamilya actress, “Well, as I’ve said kanina, I’m blessed to have people around me, cares for me, and supported me all the way.”

May leksiyon ba siyang natutunan mula sa alitan nila ni Vivian?

Tugon ng Tubig at Langis star, “Sometimes it’s better to be quiet.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Cristine sa presscon ng bago nitong pelikulang Elemento, sa isang restaurant sa Metrowalk, Ortigas, Pasig City, ngayong Biyernes, April 1.

TUBIG AT LANGIS. Willing ba siyang magpakumbaba pagdating ng araw at humingi ng paumanhin kay Vivian?

Sagot ni Cristine, “Parang wala [dapat i-sorry], parang wala.

“Let’s just forget about it.”

Paano kung magkita sila sa hindi inaasahang pagkakataon?

“I would ano… I don’t know. Iwas siguro?”

Kapag mabigyan ng pagkakataon sa mga susunod na taon, willing ba siyang makatrabaho ulit si Vivian?

Diretsong sagot ni Cristine: “Parang ano... I guess tubig at langis tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN