2NE1's Sandara Park wishes to do comedy with Vice Ganda: "Star Cinema, are you listening?"

2NE1's Sandara Park on what she misses the most about the Philippines: "Of course, I miss my fans, my friends, the people, and the food, yun ang pinaka nami-miss ko."


Balik-Pinas ang K-pop star na si Sandara Park para sa series of events na inorganisa ng clothing brand na Penshoppe na kanyang iniendorso.

Si Sandara o Dara ay kabilang sa four-member K-pop group na 2NE1 kasama sina Lee Chaerin o CL, Gong Minzy, at Park Bom.

Bulalas ni Dara sa presscon na ginanap ngayong araw, April 1, sa EDSA Shangri-la Hotel, "Sobrang masaya ako na maging part ng Penshoppe, parang dream come true.”

Ang former MYX VJ na si Chino Lui-Pio ang nag-host ng presscon ni Sandara.

Sa kanyang pagbabalik, ibinahagi ng 31-year-old aperformer ang kanyang mga na-miss sa bansa.

“To be honest, name-miss ko yung mga food—sisig, pinakbet, sinigang…”

Pagpapatuloy pa nito, “And of course, I miss my fans, my friends, the people, and the food, yun ang pinaka nami-miss ko."

Inamin ni Dara na at home siya sa tuwing bumibisita siya sa Pilipinas, lalo't laging mainit ang pagtanggap ng kanyang mga tagahanga rito.

Ano naman sa palagay niya ang pagkakaiba ng pagiging artista sa South Korea at dito sa Pilipinas?

Paliwanag niya, “Actually sa Korea, parang hindi ako masyado lumalabas, so parang hindi ko napi-feel na superstar ako or kung ano man.

“Pero pagdating ko dito, sa airport pa lang, parang feeling ko, I’m home...

“Pagbaba ko ng plane, ang daming tumatawag sa akin, ‘Ay, si Sandara, si Sandara!’

“So [ako] parang, ‘Wow! I’m back!’”

WISHFUL. Ipinahayag din ni Dara ang kanyang pagnanais na makagawa ng proyekto sa tuwing babalik siya sa bansa.

Hindi pa raw siya nagkakaroon ng pagkakataong magawa ito dahil na rin sa kanyang busy schedule sa South Korea.

Aniya, “Lagi kong gustong bumalik sa Pilipinas and then gumawa ng movie or kahit ano man.

“Pero yun nga, I was busy, so hindi ako makabalik.

“So, pag may chance, I would love to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino naman kaya ang gusto niyang makatrabaho?

Sagot ni Dara, “A, gusto ko si Vice Ganda.

“Gusto ko gumawa kami ng comedy movie, di ba? Bagay kami!

“Krung-krung din siya, e.”

Biro pa nito, “Star Cinema, are you listening?”

Bukod dito, nais din ni Sandara na maging isang hurado sa isang talent show.

Paliwanag ng 2NE1 member, “Kasi, di ba, dati sa Star Circle Quest, contestant ako?

“Pero ngayon matanda na ako, so gusto ko maging judge.

“Pero, this time, pag maging judge ako, ang sasabihin ko, ‘You’re in!’

“Sa lahat ng contestant, ‘You’re in!’”

FIRST KOREAN MOVIE. Sa ngayon, pinaghahandaan ni Dara ang premiere ng music drama movie niya na One Step.

Ito ang unang beses na lalabas sa pelikula si Sandara at makakasama niya dito sina Han Jae-suk (All About Eve) at ang Korean indie film actor na si Cho Dong-In.

Ani Dara, “Katatapos ko lang yung movie ko sa Korea, first movie ko rin sa Korea and the title is One Step. And then, the movie is about music kaya sakto [for me]…”

Inaasahang ipalalabas ang pelikula pagdating ng summer sa South Korea, mula June hanggang August.

Isa pang nais na magawa ni Sandara ay ang magkaroon ng sariling Koreanovela.

Aniya, “Siyempre yun ang isa sa wish ko, to have Koreanovela sa Korea.

“Kasi hanggang ngayon, web drama pa lang yung nagagawa ko tsaka movie.

“So, kung may chance, siyempre gusto ko at gusto ko romantic-comedy.

“Parang yung... ano ba yung English title ng Taeyangui Huye?”

Descendants of the Sun ang tinutukoy ni Sandara.

Sa isang bahagi ng presscon, kinanta ni Dara ang “Dadalhin” ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid kasama si Chino.

Ito raw ang kanyang paboritong kantahin sa tuwing Linggo ng Wika nung siya ay nag-aaral pa lang ng high school dito sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas, April 2, bibisita si Dara sa It's Showtime kung saan maglalaro siya sa isa sa mga segment ng nasabing noontime show.

Matapos nito, didiretso siya sa kanyang meet-and-greet session sa SM North EDSA Skydome.

Bukod kay Sandara, nasa Pilipinas din ngayon ang Boys Over Flowers actor na si Lee Min Ho para rin sa kanyang fan-meet na gaganapin sa Metro Manila at Cebu.

Read: 2NE1's Sandara Park, Lee Min Ho arrive in Manila for endorsement events


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN