Netizen apologizes to Luis Manzano after posting insult

Luis Manzano had a misunderstanding with a netizen, who later on apologized to the Kapamilya actor-host for hurting his feelings.


Humingi ng paumanhin ang isang netizen kay Luis Manzano matapos mag-post ng hindi magagandang salita sa actor-host sa pamamagitan ng social media.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Luis ang message of apology ng isang netizen.

Ayon sa mensaheng ni-repost ni Luis sa kanyang Instagram, galing ito kay John Meldwin Baronia a.k.a. @hashtag_topek: “Hello po Kuya Luis, di ko po intensyon na ganun ang mangyari at masaktan kayo. Sorry po. Dineactivate ko po ang lahat ng aking social account dahil po sa mga fans niyo. Sorry po talaga.

“Magco-comment sana po ulit ako na 'April Fool's Day, Kuya Luis' kaso lang po ay huli na ang lahat dahil galit na ata kayo. Sorry po ulit.'”

Sagot naman ni Luis dito, “Done! No worries, All good tayo! prior post deleted. have a good Friday night

“I don't believe the 'April Fools, Kuya Luis" excuse, but the apology is accepted nonetheless.”

Samantala, sa isang naunang post ni Luis, mababasa sa comment section ng nasabing post ang mga sagot ni Luis na naka-tag si John Meldwin Baronia a.k.a. @hashtag_topek.

May kinalaman kasi ito sa pagtawag ni Baronia kay Luis ng "maganda" at "bakla."

Mensahe ni Luis sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "He just basically commented on my page then blocked me right after."

Ni-repost naman ni Luis ang screen grab ng profile ng nasabing netizen na nam-bash sa kanya, pero ang nakalagay sa description nito ay isa siyang "God's athlete," "Son of God," at "future educator."

Caption ni Luis, "Exactly what's wrong with the world today. Partida, puro God pa profile niya AND the best part is "future educator."

Ito ang tinutukoy ni Luis na “prior post deleted" matapos mag-sorry ang netizen.

Sa comment section, pinuna rin ng Pilipinas Got Talent at Family Feud host ang netizen sa ginamit nitong paglalarawan sa sarili pero nag-comment ng pang-iinsulto kay luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN