Cherry Pie Picache proud of son's victory at international tennis competition

Cherry Pie Picache feels proud about son Nio Tria's recent victory in the Doubles Match category of the latest International Tennis Federation competition held in Vietnam last March 13-26: "Na-upset nila ang top countries. Ang top countries kasi talaga dun sa ATF-ITF are Korea, China, India."


Pagkatapos ng On The Wings of Love (OTWOL) ay humingi ng dalawang linggong bakasyon si Cherry Pie Picache. Sinamahan niya kasi ang kanyang nag-iisang anak na si Nio Tria na lumaban sa International Tennis Federation (ITF) na ginanap sa Vietnam nung March 13 hanggang 26.

Ayon kay Cherry Pie, labindalawang bansa ang sumali at ang anak niya ang isa sa naglaro kasama ang lima pang players edad 14, pababa.

Proud ang aktres na ikinuwento sa presscon ng pelikula nilang Whistleblower na nag-champion ang kanyang anak sa Doubles match category ng ITF.

PROUD MOM. Detalye niyang kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal); “Okey siya, kasi nag-champion sila ng Doubles unexpectedly."

Pagmamalaki niya, “Na-upset nila ang top countries.

“Ang top countries kasi talaga dun sa ATF-ITF are Korea, China, India.”

Ang ATF o Asian Tennis Federation ay ang governing body ng lahat ng tennis associations or organizations sa Asya.

Dagdag na paliwanag ng aktres, “Ang event na yun is ITF-ATF.

“Kasi pag Asian Tennis Federation, 14 and under. 'Pag mas matanda ka na sa 14, ITF ka na.

“Ito, combination ng ATF at ITF, kasi development championship siya, so pa-ITF na sila.

“May event every year na lahat na top three players ng 14 and under yun, kasi dini-develop yun ng International Tennis Federation.

“Kasi from there, dun kumukuha ng players to send to Europe, may scholarship dun.”

Masayang-masaya ang aktres dahil maganda nga raw ang resulta ng laro doon ng anak niyang 13 anyos.

Mabuti at natapos na raw ang taping niya sa OTWOL kaya ibinuhos niya ang panahon niya sa pagbantay sa kanyang anak.

“The whole two weeks nandun ako kaya ang itim ko ngayon.

“Sobrang tensyon, sobrang stressed ako dun.

“Unexpected yun ng Korea, ng China, India, kasi sila ang [may] top seed players e,” masayang kuwento pa ng 45-year-old actress.

EXCITED FOR SON'S NEXT MATCH. Lalo raw siyang na-excite sa pagkapanalo ng kanyang anak dahil may posibilidad daw na lalaban ito sa ITF World Junior Tennis sa Europe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nito, “Bale pre-event yun for World Junior.

“Pero sa Asia, ang pasok pa lang Korea.

“So may laban sila sa April, yung qualifying. Kung sino ang mananalo dun, sa World Junior na siya.

“Sana makapasok ang Pilipinas. So he’s playing for the Philippines.

“Dun sa ITF, sobrang nabilib sila sa mga players natin kasi ang tatangkad ng mga kalaban nila at 14 years old.”

Kaya ngayon ay pinaghahandaan na raw ng anak niya ang paglaban sa qualifying round para makapasok nga ito sa World Junior.

Todo raw ang suporta niya sa kanyang anak, at sasamahan din nga raw niya ito sa paglaban sa Thailand sa qualifying round.

DAD'S SUPPORT. Hindi lang naman daw si Cherry Pie ang sumusuporta sa kanyang anak kundi pati rin ang ama nitong si Gerry Tria.

Nilinaw naman ng aktres na okey sila ng ama ng kanyang anak at magkaibigan naman daw sila, kahit matagal na silang hiwalay.

Sumunod nga raw ito sa Vietnam para kasama rin sa pagsuporta sa kanilang anak.

“Sumunod naman doon ang dad niya sa second week ng laban.

“As parents, suportado namin siya. Sa awa ng Diyos hindi naman kami nagkulang,

“We’re friends, we’re okay.

“As parents talaga, nandun kami kay Nio. Nag-iisa lang yun, e,” napapangiting pahayag ni Cherry Pie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN