Bayani Agbayani downplays alleged "tampuhan issue" with Cesar Montano

Bayani Agbayani downplays alleged tampuhan with good buddy Cesar Montano, which stemmed from the former's recent transfer from TV5 to the Kapamilya network: "Si Cesar? Wala. Nagkikita kami, magkatabi kami ng bahay, magkasama kami every Sunday sa basketball. Ang naging issue ay yung kay Ma'am Wilma, pero wala na."


Sa pagbabalik-Kapamilya network ni Bayani Agabayani, nabalitang masama raw ang loob ni Cesar Montano sa kanya dahil sa pag-iwan niya kay Cesar sa bakuran ng TV5.

Sa ngayon ay visible na sa shows ng Kapamilya network si Bayani samantalang parte naman ng seryeng Bakit Manipis Ang Ulap? ng Kapatid network si Cesar.

Tila marami ang nanghihinayang sa nababalitang tampuhan sa pagitan nina Cesar at Bayani dahil ilang dekada na ring magkaibigan ang dalawa.

Sa nakaraang presscon/special screening ng Funny Ka Pare Ko, ang sitcom na pinagbibidahan ni Bayani kapareha si Karla Estrada na mapapanood na bukas, April 3, sa Cinemo Channel, agad namang nilinaw ng komedyante sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na walang katotohanan na may sama ng loob sa kanya si Cesar.

“Si Cesar? Wala.

“Nagkikita kami, magkatabi kami ng bahay, magkasama kami every Sunday sa basketball.

“Ang naging issue ay yung kay Ma’am Wilma pero wala na.

“Nagkita kami, nagyakapan kami, kasi ever since lumipat ako sa ibang channel, si Wilma Galvante [former TV5 entertainment head], ninang ko kasi sa kasal yun, saka sa kanya ako nagsimula, sa kanya nanggaling yung Bayani Agbayani.

“Siya lagi palagi ang pinasasalamatan ko. Niyakap niya ako, 'Kumusta ka diyan? May project ka diyan?'

“Kasi may project kami ni Robin [Padilla] sa TV5 nun, nung tawagan ako ng Channnel 2. So nagpaalam ako kay Ma’am Wilma saka kay Robin na 'di ko na itutuloy yung project kasi may project ako sa Channel 2.

“Ever since, bago pa man magsimula yung sitcom ni Robin, yung 2 ½ Daddies, ako yung manliligaw ni BB [Gandanghari] dun. E sabi ko kay Robin nun, last year pa, 'Noe, anytime tatawagin ako ng ABS.'

“Sabi niya, 'Sige, okey lang sa akin basta maganda ang pupuntahan mo.' Yun pala magkakasama pala kami."

Nasa ABS-CBN na rin si Robin ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Wala, lahat naman ng pinagtratrabahuhan ko, pinasasalamatan ko.

“Lahat sila, lahat ng networks pati UNTV, Channel 7, Channel 5, Channel 9, Channel 13, lahat naikot ko na.

SADDENED BY CESAR-SUNSHINE SPLIT. Bilang isa sa malalapit na kaibigan ni Cesar, hindi naman itinago ni Bayani na nalungkot siya sa kinauwian ng pagsasama nina Cesar at ng asawang si Sunshine Cruz na ngayon ay hiwalay na at nasa proseso ng annulment ang pagsasama.

Sabi niya, “Siyempre, malungkot.

“Naging bahagi ako ng mag-asawa na yun, kasi siguro magkatabi pa kasi kami ng bahay.

“Sa awa naman ng Diyos at least pareho na silang masaya.

“Si Cesar naging matatag, si Sunshine naging matatag din. Naniniwala siya na may Diyos na dapat gabayan sila.”

NO COMMENT ON OZAWA CONTROVERSY. Hiningan din namin ng reaksyon si Bayani sa balitang naka-one-night stand ng kaibigan ang sexy star na naging kapareha nito sa pelikulang Nilalang na si Maria Ozawa.

Ayaw namang magbigay ng komento tungkol sa isyu si Bayani.

Aniya, “Di ko alam, e. Wala akong idea dun.

“Hindi kami nag-uusap tungkol sa ganyan. Ang pinag-usapan lagi namin ay religious.”

WILL AGA BE A KAPAMILYA? Isa rin sa malapit na kaibigan at matagal ding nakasama sa trabaho ni Bayani sa sitcom na Oki Doki Dok ay si Aga Muhlach.

Agad naming tinanong ang komedyante kung totoo ba ang usap-usapan na susunod sa kanya sa ABS-CBN si Aga.

Pagkumpirma niya, “Malaki yung possibility, pero si Aga gusto pang magbakasyon, e.

“Di naman niya kasi kailangan, bata pa lang nagtatrabaho na yun.

“Nagkausap kami, nasa Hongkong siya nung Holy Week, ngayon nandito na.

“Actually, bago ako bumalik ng ABS, may project na siya with Lea Salonga under Star Cinema.

“Nauna pa siya sa akin. Yung sa akin nga parang abrupt pa, parang biglaan pa na, 'O, kailangan ka na dito.'”

THANKFUL TO ABS-CBN. Labis ang pasasalamat naman ni Bayani na sa kanyang pagbabalik sa ABS-CBN ay sunud-sunod ang proyektong ibinigay sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na nga rito ang Funny Ka, Pare Ko, kunsaan katambal niya si Karla na matagal na pala niyang kaibigan.

Lahad niya, “Oo. Thank you, Lord at lahat naman ng artista pangarap yan at nasa ABS-CBN ka pa.

“Maraming, maraming salamat sa ABS-CBN at sa Diyos at pinakinggan niya ang panalangin ko.

“Sobrang happy ko kasi si Karla matagal ko nang kaibigan.

“Alam mo ba, may common friend kami, si Do, yung kasa-kasama nila.

“Inampon ng nanay ko yun. Bago sila nagkasama ni Karla sa hirap at ginhawa, kami muna kami ang nagkasama sa iisang banig.

“Anim kaming magkakapatid, pang-pito si Do.

“Kaya pag nagkikita kami sa isang okasyon, even wala pa si Daniel [Padilla] sa limelight, wala pang trabaho masyado, nagkikita at nagkukuwentuhan na kami kaya talagang magkaibigan na kami.

“Buti nga tama, buti nga nagamit niya.

“Alam ko nakakatawa siya pero 'di ko inakala na ganyan kagaling ang timing niya, kasi comedy is timing, e.

“Sa lahat ng ibato mong punchline, pag wala ka sa timing di ka matatawa, e.

“Pero kahit di siya punchline, pag timing siya, matatawa ka.”

PALIBHASA LALAKE REMAKE. Isa pala si Daniel sa naka-lineup na puwede nilang maging guest. Dito ay binalita rin sa amin ni Bayani na gagawin pala nila ang remake ng Palibhasa Lalake.

Pahayag niya, “Oo, siyempre nanay niya yun. Actually, magkakaroon kami ng sitcom, hopefully matuloy, ire-remake yung Palibhasa Lalake.

“Tiyuhin ko si Daniel, di ba may ganun naman, mataas yung dugo.”

Kasama sa naturang sitcom ang ilan sa mga sumali at nanalo sa "Funny One," isa sa segment ng It’s Showtime.

ADVICE TO NEWBIES. Ayon kay Bayani, lagi niyang pinangangaralan ang mga ito lalo’t baguhan sila sa industriya.

Pahabol pa niya, “Lagi kong sinasabi sa kanila, 'Lagi ninyong tatandaan, lahat ng tao dito sa loob ng studio o sa labas, lagi ninyong papakisamahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“'Dapat lahat kaibigan ninyo, wala kayong aawayin.

“'Lagi ninyong tatandaan: Ang paa laging nakatapak sa lupa.

“'Ipon, ipon, ipon.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN