Robin Padilla flies to North Cotabato to sympathize with families of Kidapawan incident victims

Robin Padilla recently flew to Kidapawan, North Cotabato to sympathize with the bereaved families of the victims of yesterday's violent police dispersal


Kumilos agad ang action superstar na si Robin Padilla nang malaman nito ang trahedya na nangyari kahapon, Abril 1, Biyernes, sa Kidapawan, North Cotabato – ang pakikipag-engkuwentro ng mga pulis sa mahigit anim na libong magsasaka na nakararanas ng gutom at sumali sa kilos-protesta para humingi ng bigas sa lokal na gobyerno.

Sa magkakahiwalay na ulat, kumpirmadong may mga namatay, nasugatan, at nawawala matapos ang engkuwentro ng mga pulis at mga magsasaka.

Kasama ni Robin sa pagpunta sa Kidapawan ang kanyang manager na si Betchay Vidanes at ito ang nagbahagi ng kuwento tungkol sa pakikiramay nila sa mga biktima ng karahasan.

“Wala kaming tulog, wala din kain, wala din masyadong inom ng tubig at sobrang init pagdating namin sa Kidapawan....

“Last minute akong sumama kay Robin Padilla after ko na mapanood sa TV yung nangyari.

“Pagdating ko Davao, diretso na kami agad sa lugar kung saan mismo nangyari ang pagbaril sa mga farmers.

“Sobra silang disciplined. Yakap at iyak lang ang nakikita ko sa kanila.

“Wala akong idea... anong problema ng local government sa mga magsasaka pero hindi ko maisip bakit kailangan silang umabot sa ganoon.

“May patay, sugatan...yung area daming pulis lahat may baril samantalang wala naman akong nararamdamang puwedeng gumawa ng masama sa kanila....

“Dasal ko para sa mga tao, magsasaka, protection para sa kanila at sa mga tao na nanakit sa kanila.

“Sana, makapag-isip pa sila,” pahayag ng manager ni Robin.

REFUSING DONATIONS. Samantala, umaani ng mga batikos si incumbent North Cotabato Governor Emmylou “Lala” Talino-Mendoza dahil sa pagtanggi nito na tanggapin ang tulong ng mga kandidato na gustong magbigay ng bigas sa mga magsasaka.

“Nang-iinsulto ba kayo o namumulitika kayo?” ang tanong ni Mendoza sa video na kumakalat ngayon.

Stupidity strike sa Governor na ito ng North Cotabato.

Posted by Magnetizen on Saturday, April 2, 2016

Nakiusap si Mendoza sa lahat ng mga kandidato na gustong pumunta sa kanilang lugar na huwag gawin na staging ground ang North Cotabato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN