Comedienne Joy Viado resumes showbiz career after year-long battle with diabetes

Comedienne Joy Viado thanks all her showbiz colleagues who helped her during her year-long battle with diabetes, especially the late director Wenn Deramas: "I owe my life to them, lalo na sa kaibigan nating si Direk Wenn Deramas. Noong nagkasakit ako, parati niya akong kinukumusta. Lagi niya akong binibiro na pagaling na ako at magtatrabaho na kami."


Balik-trabaho na ang TV and film comedienne na si Joy Viado pagkatapos na isang taong pakikipaglaban sa sakit na diabetes.

Dumaan sa matinding pagsubok si Joy noong nakaraang taon dahil sa kumplikasyon dulot ng kanyang sakit.

Muntik nang ma-amputate ang kanyang right leg dahil naimpeksyon ito na nagsimula lang sa isang kagat ng insekto at lumalala dahil sa kanyang pagiging diabetic.

Pero dahil hindi siya nawalan ng pag-asa, gumaling siya pagkatapos ng ikaapat na debridement surgery.

Hanggang ngayon daw ay hindi makapaniwala ang komedyana sa kanyang pinagdaanang kalbaryo.

“God is good talaga.

“Talagang nagdasal ako na huwag naman Niyang pabayaan na mangyari sa akin iyon.

“Ang pamilya ko, mga kaibigan ko at maraming tao ang nagdasal din para sa kaligtasan ko.

“Sa totoo lang, muntik na akong paghinaan talaga. Muntik na akong mawalan na ng pag-asa.

“Pero kumapit pa rin ako sa Kanya. Alam kong walang imposible kapag naniwala ka sa Kanya.

“Kaya noong unti-unti na akong gumagaling, labis ang pasasalamat ko sa mga nagdasal para sa akin.

“Sa mga taong tumulong sa financial needs ko sa ospital at siyempre kay Lord na hindi ako pinabayaan, praise the Lord!” masayang kuwento pa ni Joy nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Dear Uge sa Bagong Bantay, Quezon City noong nakaraang April 1.

THANKFUL TO SHOWBIZ FRIENDS. Naging malaking tulong kay Joy ang nalikom na donasyon mula sa kanyang mga kaibigan sa entertainment industry.

Nagkaroon ng fund-raising event para sa kanya na Jam For Joy noong May 2015 sa The Library kunsaan nag-perform sina Arnell Ignacio, Bernardo Bernardo, Wally Bayola, Ivy Violan, Jay Cayuca, Pooh, Gary Lim, Philip Lazaro, Chokoleit, Inday Garutay, Viveika Ravanes, Tart Carlos, Aira Bermudez and the Sex Bomb Dancers.

Kabilang sa mga nagpaabot din ng karagdagang tulong ay sina Wenn Deramas, Willie Revillame, Sylvia Sanchez, Cornelia “Angge” Lee, Kim Atienza, Pooh, Isay Alvarez, Miguel Vera, Leo Rialp, K Brosas, Winnie Cordero, Jon Achaval, Marvin Agustin, Zanjoe Marudo, Empoy Marquez, Matteo Guidicelli, Giselle Sanchez, Arnold Clavio at marami pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SPECIAL THANKS TO DIREK WENN. Nagpaabot din ng tulong pinansyal kay Joy ang Star Cinema, ang noontime show na It’s Showtime at ang Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) sa pamamagitan ng singer-songwriter na si Noel Cabangon.

“Taus-puso ang pasasalamat ko sa kanilang lahat.

“Habang nabubuhay ako, hindi ko makakalimutan ang pagbigay nila ng tulong sa akin.

“I owe my life to them, lalo na sa kaibigan nating si Direk Wenn Deramas.

“Noong nagkasakit ako, parati niya akong kinukumusta.

“Lagi niya akong binibiro na pagaling na ako at magtatrabaho na kami.

“I was looking forward na makatrabaho si Direk Wenn ulit dahil ang tagal kong nagkasakit.

“Pero nangyari ngang bigla niya tayong iniwan.

“Kakagaling ko pa lang no’n, pero pinilit kong makapunta sa wake niya.

“Nagpasalamat ako sa kanya talaga dahil hindi lang niya ako tinulungang financially.

“Lahat ng moral support mula sa isang kaibigan at kapamilya ay natanggap ko galing sa kanya.

“Saan ka man naroon ngayon Direk Wenn, I am forever grateful sa mga nagawa mo sa akin at sa pamilya ko,” emote pa ni Joy.

Tuluy-tuloy pa rin ang hyperbaric therapy session ni Joy, pero okey na raw siyang magtrabaho na ulit. Maingat na raw siya sa kanyang mga kinakain at patuloy ang pag-inom niya ng maintenance medicine.

COMEBACK SHOW. Muling mapapanood si Joy sa weekly comedy anthology ng GMA-7 na Dear Uge kunsaan kasama niya sina Mark Herras at Winwyn Marquez.

“Thank you Lord at back to normal na tayo.

“Na-miss ko ang pag-arte.

“Kaya noong tawagan ako ng staff ng Dear Uge para mag-guest, yes agad ako.

“Bale ito ang pagbalik ko sa pag-arte ulit. Thankful ako sa GMA-7 kasi lagi nila akong naalalang bigyan ng trabaho.

“Suki rin ako ng Siyete kasi madalas akong mag-guest noon sa Maynila, Love To Love, Daisy Siete at sa mga talk shows nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya natuwa ako na sila ang unang nagtanong kung okey na ba akong mag-work. Kaya heto, balik sa pagiging maingay ko sa TV!” sabay tawa pa ni Joy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN