Did Alden Richards and Maine Mendoza confirm their relationship status?

Maraming fans ng tambalan nina Maine Mendoza at Alden Richards ang nabuhayan ng loob nang sabihin ni Alden sa isang segment ng Sunday Pinasaya ngayong araw na "sinagot" na siya ni Maine. Umaasa ang maraming AlDub fans na totohanan na ang relasyon ng kanilang mga idolo.


Sina Alden Richards at Maine Mendoza na nga ba?

Ito ang nabuo sa isip ng maraming AlDub fans pagkatapos mapanood ang segment na “Dos Lolos” ng comedy-variety show na Sunday Pinasaya sa GMA Network ngayong araw, April 3.

Featured guests sa segment na ito sina Alden at Maine bilang bahagi na rin ng promo ng kanilang iniendorsong ice cream brand.

Sa kuwento ay kinatagpo ni Alden, bilang Richard, ang kanyang Lolo Erning (Jose Manalo) upang ipaalam dito ang isang ‘magandang balita.’

Richard Faulkerson Jr. ang tunay na pangalan ni Alden.

“Sinagot na po niya ako. Sinagot na niya ako, ‘Lo!’” sabi ni Richard sa kanyang lolo.

Dito na nagsimulang maghiyawan ang AlDub fans na nasa loob ng studio na umalingawngaw hanggang sa telebisyon.

Dahil dito ay pabirong sinaway ni Jose ang mga nasa audience upang maipagpatuloy niya ang kanyang dialogue.

Ilang sandali pa ay dumating na si Maine at ipinakilala ito ni Richard sa kanyang lolo: “Girlfriend ko po.”

Muli na namang nagsigawan nang malakas ang fans sa studio.

Sabi ni Lolo Erning, gusto niyang maging apo na rin si Maine kaya sinabihan niya ang dalawa ng “Magpakasal na kayo,” na umani na naman ng hiwayan mula sa fans.

Pagkatapos nito ay dumating na rin ang lolo ni Maine na si Lolo Berto (Buboy Garovillo), na nagkataon namang kakilala pala ni Lolo Erning.

Napagkamalan pa nga noong una ni Lolo Berto na si Lolo Erning ang “bae” ni Maine.

Pero agad itong nilinaw ni Richard at sinabing, “Lo, ako po yung boyfriend.”

Tinanong ni Lolo Berto sina Richard at Maine kung gaano na sila katagal.

Sagot ni Maine, “Mga one month na rin po.”

Ngayong araw ay eksaktong isang buwan mula nang ipagdiwang ni Maine ang kanyang ika-21 kaarawan.

Ayon naman kay Lolo Erning, halos isang taon ding nanligaw si Richard kay Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Akma rin ito sa tunay na sitwasyon nina Alden at Maine bilang nagkakilala sila noong July 2015.

Sagot ni Richard, “Okay lang po yun. Worth it naman po lahat, e. Saka yung paghihintay ko po sa tamang panahon, mahirap man po sa simula, pero ngayon po, pakiramdam ko, lahat ng bagay, ang tamis.”

Sabi naman ni Maine, “Wala naman pong bagay na magandang nakukuha pag minamadali.”

Inihalintulad naman ni Lolo Berto ang pag-ibig sa puno ng mangga na dapat inaalagaan upang mamunga ng matamis.

Sabi ni Lolo Erning, kapag hinog sa pilit ay hindi masarap kaya dapat hintayin ang tamang panahon.

Asam naman ni Richard, “Sana habang tumatagal ang relasyon namin, mas tumibay.”

Bagamat base sa script ang mga binitawan nilang salita, hindi pa rin mapigilan ng mga tagahanga nina Alden at Maine na umasa at mag-isip na sila na nga sa totoo buhay.

Bumaha rin sa social media ang mga mensahe ng AlDub fans na sobrang natuwa at kinilig sa mga napanood na eksena.

Dito rin nila inihayag ang kanilang pagnanais na magkatuluyan sa tunay na buhay sina Alden at Maine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN