James Reid draws flak over 15-second Instagram video with two girls

James Reid got bashed by loyal JaDine fans after a 15-second video went viral last night, April 2, showing James in a car with two girls and other companions, apparently all under the influence of alcohol.

 


Muli na namang pinutakti ng maraming bashers, lalo na ng mga fans ni Nadine Lustre, ang actor-singer at boyfriend nitong si James Reid.

Ito ay matapos may nag-upload sa Instagram ng 15-second video ni James kasama ang tatlo pang lalaki at dalawang babae.

Ayon sa ibang komento, mukha raw nakainom ang Kapamilya actor at ang mga kasama nito.

Hindi masyadong maintindihan ang annotation ng babaeng kumuha ng video.

Ayon sa nag-upload sa Instagram na si @jadine.truth kagabi, April 2, dapat daw ay iwas-iwasan na ni James ang pagsama-sama sa ibang babae dahil ngayon ay may girlfriend na ito.

“HELLO TO YOU AGAIN! 'Boys night out' pa mga captions ng mga Jadines sa photo mo with that dj. Anyareh, James? 1st month niyo pa lang ni Nadine mag-on, may ganito na agad?

“U can't blame the people who constantly doubt ur relationship with Nadine, if you act like this, bro. Paalala lang ha, may girlfriend ka na, hijo.

“Pero it's clearly seen sa video na eto na lakas na ng tama mo, at nasa pagitan ka pa ng 2 girls. Good job, bro. Jadine.truth has been quiet for so long kasi gusto ko kayo bigyan ni Nadine ng benefit of the doubt at baka nga siguro REAL na kayo.

“Pero nakita ko to. Opinion ko lang to', grow up, James. For Pete's sake, you have a girlfriend.

“These kinds of doings from someone who's in a relationship ay hinding hindi maganda tingnan. Kahit alam pa to ng ka-relasyon mo, hindi dapat ganto ginagawa ng taong talagang seryoso at may respeto sa taong mahal niya.

“It's not just your image that you should be protecting, but also your partner's. Uulitin ko James, you have a girlfriend so grow up. @nadzlustre @jaye.wolf #jadine @phospheneph.”

HELLO TO YOU AGAIN! "Boys night out" pa mga captions ng mga Jadines sa photo mo with that dj. Anyareh, James? 1st month niyo pa lang ni Nadine mag-on, may ganito na agad? U can't blame the people who constantly doubt ur relationship with Nadine, if you act like this, bro. Paalala lang ha, may girlfriend ka na, hijo. Pero it's clearly seen sa video na eto na lakas na ng tama mo, at nasa pagitan ka pa ng 2 girls. Good job, bro. Jadine.truth has been quiet for so long kasi gusto ko kayo bigyan ni Nadine ng benefit of the doubt at baka nga siguro REAL na kayo. Pero nakita ko to. Opinion ko lang to', grow up, James. For Pete's sake, you have a girlfriend. These kinds of doings from someone who's in a relationship ay hinding hindi maganda tingnan. Kahit alam pa to ng ka-relasyon mo, hindi dapat ganto ginagawa ng taong talagang seryoso at may respeto sa taong mahal niya. It's not just your image that you should be protecting, but also your partner's. Uulitin ko James, you have a girlfriend so grow up. @nadzlustre @jaye.wolf #jadine @phospheneph

A video posted by @jadine.truth on

Mula noong ma-upload ang video kagabi, bumuhos na ang mga comments mula sa bashers ni James, at kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero marami rin naman ang nagtanggol kay James.

Sinasabi ng mga ito na may karapatan si James na mag-enjoy, mag-party, at hindi naman daw lahat ng panahon ay kailangang kasama niya si Nadine.

OLD OR NEW VIDEO? Kahit may mga nagsabing luma ang video, may nagkumpirma na bago lang daw ito.

Ayon pa rin kay @jadine.truth, madaling-araw raw ng Biyernes, April 1, na-upload ang video sa Snapchat.

“Etoh para sa mga nagsasabi na old video. Galing yan sa snapchat, posted ng madaling araw.

“This is what u people don't get. Wala nga ginagawa masama si James sa video pero tandaan niyo may girlfriend na siya.

“He's been known for being walwal at laging nainvolve sa issues with different girls before.

“Seryoso ba kayo na maganda tingnan sa isang tao na may girlfriend na matino at naglalasing hanggang madaling araw, at nakasiksik sa gitna ng dalawang lasing rin na babae?

“Opinion ko lang for u James, u have a girlfriend.

“These kinds of actions ay ang nag aattract ng mga doubters sa relasyon niyo ni Nadine. Magisip ka naman, bro.#jadine

WHO IS LIZ KAVOOSI? Isa sa mga babae na nasa video ay nagngangalang Liz Kavoosi na diumano ay isang socialite.

Base sa ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), matagal na raw kaibigan ni James ang mga kasama sa video.

Wala pang reaction si James tungkol dito.

Samantala, mananatiling bukas ang PEP sa maaaring maging pahayag nina James, Liz, at sa iba pang sangkot sa naturang video.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN