Kean Cipriano finally confirms pregnancy of wife Chynna Ortaleza

Kean Cipriano finally opens up about pregnancy of wife Chynna Ortaleza and how he feels about becoming a dad.


Sa wakas ay kinumpirma na ni Kean Cipriano ang pagbubuntis ng kanyang asawang si Chynna Ortaleza.

Sa report na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo, isang source ang nagsabing isang baby girl ang magiging anak nina Kean at Chynna at ngayong buwan nakatakdang magsilang ang Kapuso actress.

Pero nanatiling tahimik sina Kean at Chyna tungkol dito.

Read: FIRST READ ON PEP. Chynna Ortaleza and Kean Cipriano expecting a baby girl; Chynna to give birth in April

Ngunit nang makausap ng PEP at YES! Magazine si Kean sa premiere ng kanyang upcoming horror-comedy film na Echorsis: Sabunutan Between Good and Evil nitong Linggo ng gabi, April 3, ay kinumpirma niyang magiging ama na siya.

Pahayag niya, “It’s a dream come true. It is a dream come true. It’s all I can say.

“It’s the best thing that ever happened to me.”

Idinagdag pa ng Callalily vocalist na napag-usapan nila ni Chynna na huwag nang idetalye ang tungkol sa pagbubuntis ng huli.

“Me and my wife we talked about it. We just to keep details to ourselves.

“I can’t really give out details. I respect the family’s decision, you know.

“It’s sacred that way.”  

Maraming nangyari kay Kean, gaya ng pagpanaw ng kanyang ama noong March 17. Sa kabila nito, nananatiling positibo ang singer-actor.

Saad niya, “I am a very blessed person to have a loving people around me, from all our fans, to our friends to closest relatives, iba yung love na ibinigay. I appreciate it.

“Down times in your life, you get to see things and people na ma-realize mo lang sa sarili mo na I am loved. Dun mo siya makikita minsan rough times.”

ECHORSIS. Samantala, excited si Kean sa pelikulang Echorsis na aniya ay pinaglaanan ng panahon at oras upang mapaganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ilang months na rin nung nagawa yung pelikula. Hindi siya yung type na gawa [then] release.

“Medyo ginawa, nilagyan ng oras para gawin post-production.”  

Sabi pa ni Kean tungkol sa pelikula, “It talks about equality and love and self-respect.”  

Magbubukas sa mga sinehan ang Echorsis sa April 13.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN