Nora Aunor, other celebrities cry for justice over violent dispersal of Kidapawan farmers

Kinondena ng Superstar na si Nora Aunor ang madugong dispersal ng mga pulis sa mga magsasakang nais lang humingi ng ayuda sa gobyerno ng Kidapawan, North Cotabato. Dumarami na rin ang celebrities na nanawagan ng #BigasHindiBala sa social media.


Humihingi ng hustisya ang Superstar na si Nora Aunor para sa mga nasawi, nasugatan, at nasaktang mga magsasaka sa madugong dispersal ng kanilang ginawang rally sa Kidapawan, North Cotabato, noong April 1.

Sa isang Instagram video na ibinahagi ng YouTube sensation na si Sebastion Castro, sinabi ni Nora na nalulungkot siya sa marahas na sinapit ng mga kapatid natin sa Mindanao, na ang tanging nais lamang ay makahingi ng bigas mula sa gobyerno.

Ayon kay Nora, “Nalulungkot ho ako na marinig ang mga nangyari sa mga farmers. 

“Sana ho magkaroon ng justice yung ginawa sa kanila.

“Lalo na sa ating gobyerno, sana hindi nila balewalain kung ano man ang nangyari sa mga farmers.”

#BIGASHINDIBALA. Sumama na rin sa panawagang ‘bigas, hindi bala’ ang iba pang mga celebrity.

Sa pamamagitan ng Instagram at Twitter, nagbahagi sila ng kanilang damdamin tungkol sa madugong engkuwentro ng mga pulis at mga gutom na magsasaka.

Narito ang kanilang posts:

#BigasHindiBala

A photo posted by Jerald Napoles (@iamjnapoles) on

Heartbreaking photo of @robinhoodpadilla consoling the victims #Kidapawan #bigashindibala

A photo posted by Ping Medina (@pingmedina) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN