Cristine Reyes rethinks sexy image; are her fans ready for it?

Cristine Reyes is not saying she is turning her back completely on sexy roles, she's just being cautious now that she's a family woman. "Siyempre ngayon, kailangan kong i-consider ang asawa ko, ang daughter ko. Kasi whatever I do, it will also reflect on them."


Pinaninindigan na talaga ni Cristine Reyes ang wholesome image na kanyang tinatahak ngayon mula nang siya ay mabuntis, magkaanak, at maikasal sa kanyang boyfriend na si Ali Khatibi.

Maging sa kanyang pinakabagong pelikula, ang Elemento, walang makikitang kaseksihan sa kanyang papel bilang nanay ni Albert Silos.

Pahayag ni Cristine, “I guess, yeah, you're right.

“ABS-CBN gave me Tubig At Langis, and then Viva Films gave me Elemento; pareho silang mother roles.

“I don't know... siguro nakita na rin nila yung changes sa life ko.

“Siguro naisip din nila na ito na talaga ang roles na gusto kong i-portray.”

Dugtong pa niya, “I guess, they saw me na I want to live my life, not just being the usual Cristine na doing daring roles. I guess nakita nila yun.

“Okey naman siya, like yung sa Tubig At Langis, every day parang tumataas nang tumataas ang rating namin.

“It's good feedback, and yung boss namin sa ABS would always text me na nagku-congratulate sila akin.

“Para sa akin, lalong nakakagana magtrabaho, masarap yung pakiramdam, at nakaka-inspire.”

Malaking tulong nga raw sa pagiging ina ni Cristine kay Amarah sa mother roles na kanyang ginagampanan ngayon.

Aniya, “Yeah, malaking tulong yung bahagi ng pagiging mother ko, sa lahat ng projects na ginagawa ko ngayon.

“Unang-una, napu-portray ko na mas may sincerity yung roles na ginagawa ko ngayon dahil mother roles na, e.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Viva actress sa presscon ng pelikulang Elemento, na ginanap sa Music Hall, sa Metrowalk, Ortigas, noong Biyernes, April 1.

SEXY NO MORE? Wala ba siyang pangambang baka hindi tatangkilin ng mga manonood ang wholesome image niya ngayon?

Depensa ng dating sexy actress, “Para sa akin, siyempre dun dapat tayo sa tatangkilin ng tao.

“Pero… ginawa namin ito [Elemento] para ma-entertain ang mga tao, lalo na yung mahihilig sa horror films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lalo na mga youth, kasi sila naman talaga ang mahilig magtakutan.

“Even ako, kahit ina na ako, gusto ko pa ring manonood ng horror films.

“I think, sa ganda naman ng direksiyon ni Mark Meily, positive kami na magiging maganda ang outcome nito.”

Tuluyan na ba niyang tatalikuran ang paggawa ng sexy films o ang imahen niya bilang isang sexy actress?

Paliwanag ni Cristine, “Hindi ko alam kung tama yung word na tatalikuran.

“Hindi naman ako nagpabaya ng katawan ko, so I don't want to say anything na tatalikuran.

“Kinu-consider ko si Ali.

“Kung noon, wala akong iniisip, at kumbaga, sarili ko lang ang iniisip, pero siyempre ngayon, kailangan kong i-consider ang asawa ko, ang daughter ko.

“Kasi whatever I do, it will also reflect on them.”

HALF AND HALF. Tungkol naman sa buhay may asawa, marami ang gustong malaman kung paano nila pinagkakasunduan ni Ali ang kanilang mga obligasyon.

Pag-amin ni Cristine, “Halos lahat, hati kami sa maraming bagay.

“Pagdating naman kay Amarah, halos lahat si Ali, e.

“Masyado siyang playful kay Amarah and, at the same time, strict naman siya.

“Like, ano, lagi niyang tsini-check si Amarah.

“Pero kung ako naman ang wala sa bahay, tsini-check ko rin.

“Actually, equal lang po.”

Papayagan ba niyang mag-showbiz ang kanyang panganay kahit man lang sa commercial o print ads?

Aniya, “Magandang opportunity na mabigyan siya ng project o commercial.

“But at the same time, nag-iisip kami ni Ali, kung hahayaan ba namin si Amarah at a very young age na ma-expose agad.

“Yun ang question, blessing yun, pero at the same time, as parents, kailangan din naming isipin ang welfare niya.

“Kung makakabuti ba ito sa kanya o hindi. Nag-iisip pa rin kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN