Teejay Marquez takes Indonesia by storm

Masayang-masaya si Teejay Marquez na nabigyan siya ng oportunidad na makapagtrabaho at makilala sa bansang Indonesia. Ngayon lang daw niya naramdaman ang pagod ng isang sikat na artista dahil sa kanyang sunud-sunod na trabaho doon.


International star kung ituring sa bansang Indonesia si Teejay Marquez.

Ilang buwan nang namamayagpag ang career ni Teejay sa naturang bansa matapos mapansin ng isang talent agency doon ang kanyang trending na "Twerk It Like Miley" Instagram video noong 2015.

Kuwento ni Teejay, “Nag-start yun sa mga viral videos.

“Trending talaga yung ‘Twerk It Like Miley’ sa Philippines at hindi ko alam na umabot pala yun sa Indonesia.

“Tapos nung nakarating na dun, nagulat ako sa followers ko [biglang dumami].

“Kahit yung ibang nag-trend, nagkaroon din ng Indonesian followers.

“Dahil mahilig din ako gumawa ng mga videos, nasundan nang nasundan at dumami nang dumami.

“Kumbaga, hindi lang yung ‘Twerk It Like Miley.’

“Dumami nang dumami talaga yung followers ko, halos lahat Indonesian.”

Matapos daw nito, may kumontak sa kaibigan ni Teejay dito sa Pilipinas na taga-Indonesia.

Interesado raw ang mga ito na kunin siya para magpunta doon dahil pinag-uusapan daw siya sa kanilang bansa.

Pinag-isipan daw muna ito ni Teejay dahil ginagawa pa niya ang teleseryeng Dream Dad sa ABS-CBN noon.

“After Dream Dad, naisip ko na wala pa akong show, so naisip ko na i-try kong umalis ng January.

“Tapos habang wala akong show at magta-try ng modelling, commercials, kasi may followers po ako.

"Hindi ko ini-expect na pagdating ko doon, talagang mainit yung pagtanggap ng mga tao sa akin.

“Nung nalaman nilang andun na ako, lahat yata ng TV stations gusto akong ma-interview.

“And then dumating yung isang big-time movie producer doon.”

Inalok daw kaagad siya ng pelikula. Natapos na ang naturang pelikula na may pamagat na Dubsmash at nakatakda itong ipalabas doon sa Mayo.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teejay nitong Lunes, April 4, sa isang coffee shop sa Quezon City.

Nasa bansa ang aktor ngayon para sa dalawang linggong bakasyon.

SENSATIONAL IN INDONESIA. Bukod sa mga TV guesting, nakatakda ring gumawa ng isang teleserye si Teejay sa isang TV network sa Indonesia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailangan pa raw niyang pag-igihan ang pag-aaral ng Bahasa, ang salita sa Indonesia, para sa naturang show.

Naramdaman ba niyang mas sikat siya doon kaysa dito sa Pilipinas?

Pag-amin ni Teejay, “Honestly, opo.

“Yung sink in, na nagsi-sink in, yung sink in lang na may pelikula po ako. Nagsi-sink in na, ‘Uy, maraming nakakakilala sa akin sa Indonesia.

“Pero hindi pa talaga nag-sink in na talagang sikat na sikat ako.

“Sinabi ko noong una akong nagpunta ng Indonesia na stepping stone ko lang ito.

“Alam mo naman ang Pilipino pag nasa ibang bansa, nakilala ka, pagbalik mo dito, iba na yung tingin sa ’yo.

“Yun lang po ang gusto ko, yung ma-challenge ko yung sarili ko.

“Baka pagbalik ko, pansinin na po ako dito nang mas maganda.

“Pero hindi ko talaga iniisip na ganun ang pagpansin sa akin sa Indonesia.

“Kaya siguro hindi pa talaga nagsi-sink in sa akin, deep inside, kaya ito ginagawa para mapansin po ako [dito].

“Pero sabi naman nila [sa Indonesia], ‘Wala kang magagawa, kapag sumikat ka dito, sisikat ka talaga dito.’

“So, yung feeling masaya, kasi nararamdaman ko na yung pagod na nararamdaman nung mga sikat dito.

“Hindi tumitigil sa trabaho, araw-araw may pelikula, may serye, may guesting.

“Sabi ko, ito pala yung ginagawa nila [mga sikat] na hinahanap ko na trabaho sa Pilipinas, yung pagod, dun ko nakuha sa Indonesia.

“Kaya sabi ko, i-grab ko na ‘to kasi ibinigay na sa akin, e.”

Sa ngayon, kahit anong offer daw doon ay tinatanggap niya dahil ito ang hinahanap niya sa Pilipinas, pero sa Indonesia lamang niya natagpuan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN