Robin Padilla names fellow celebrities who donated bags of rice to Kidapawan farmers

"Walang ipinagkaiba ang kanyang ginawa sa mga namamatayan sa Manila na pinupuntahan niya agad para makiramay. Kinausap niya ang mga magsasaka na maging mahinahon at umuwi sa bahay nila. Nagbigay siya ng mga bigas dahil 'yon ang hiling ng mga magsasaka at ng mga katutubo," says Betchay Vidanes, manager of Robin Padilla, about the actor's decision to help the Kidapawan farmers.


Pinupuri si Robin Padilla dahil sa kanyang maagap na pag-aksyon at pagtulong sa mga biktima ng violent rally dispersal sa Kidapawan, North Cotabato, noong April 1.

Pero hindi siya nag-iisa at lalong hindi niya sinosolo ang kredito.

Pinasasalamatan ng action superstar ang mga kaibigan na tinawagan niya sa telepono at hiningan ng tulong habang papunta siya sa Kidapawan noong Sabado, April 2.

Hindi nagdalawang-salita si Robin dahil agad na nagbigay ng kaban-kabang bigas ang mga sumusunod:

Perci Intalan and Jun Lana – 70 sacks

Anne Curtis – 200 sacks

Jasmine Curtis-Smith – 20 sacks

Bianca Gonzales – 20 sacks

Karla Estrada at Daniel Padilla – 100 sacks

Mariel Padilla – 60 sacks

Angel Locsin – 120 sacks

Erika Padilla – 10 sacks

Megan Young – 10 sacks

Mikael Daez – 10 sacks

NUR Factory – 50 sacks

Luis Manzano – 100 sacks

Sa pamamagitan ni Robin at ng kanyang manager na si Betchay Vidanes, natanggap na kahapon ng Kidapawan farmers ang sako-sakong bigas mula sa magkapatid na Anne at Jasmine, at parating na doon ang mga padala ng ibang mga nagpadala ng tulong

Mariing paglilinaw ni Betchay, kusang-loob ang pagtulong ni Robin at ng kanyang mga kaibigan na artista sa mga magsasaka ng Kidapawan at wala ito halong pulitika.

Pahayag ng manager ni Robin, “Definitely no politics!

“Pumunta kami ni Robin for PEACE. Gusto niya na makiramay sa mga magsasaka na namatayan.

“Walang ipinagkaiba ang kanyang ginawa sa mga namamatayan sa Manila na pinupuntahan niya agad para makiramay.

“Kinausap niya ang mga magsasaka na maging mahinahon at umuwi sa bahay nila.

“Nagbigay siya ng mga bigas dahil ‘yon ang hiling ng mga magsasaka at ng mga katutubo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN