Sarah Geronimo shuts down network-transfer rumor; renews contract with ABS-CBN

Sarah Geronimo on signing another contract with ABS-CBN: "Very grateful na hanggang ngayon, gusto pa rin nila ako na maging bahagi ng pamilya nila."


Natuldukan na ang usap-usapang lilipat ng network ang Pop Princess na si Sarah Geronimo dahil pumirma na siya ng panibagong kontrata sa ABS-CBN.

Nag-alala kasi ang maraming Kapamilya viewers na baka lumipat na ng istasyon si Sarah dahil hindi na ito kasama sa susunod na season ng The Voice Kids Philippines, kung saan isa siya sa mga coach.

Idagdag pa rito na nakipag-merge na sa TV5 ang Viva Entertainment na siyang namamahala sa career ng singer-actress.

Ngunit kahapon, April 4, ay pumirma na nga ng panibagong kontrata sa Kapamilya network si Sarah.

Pahayag niya, “Hindi, ever loyal ako… masaya ako sa ABS CBN.

“Very grateful na hanggang ngayon, gusto pa rin nila ako na maging bahagi ng pamilya nila.

“Two-year contract ang pinirmahan ko.

“I would say na magiging mas careful ako sa mga projects na tatanggapin.

“Gusto ko kasi, pag gumawa ako ng proyekto, yung mayroon akong mai-impart na magandang lessons sa mga tao.

“Inspirasyon, hindi lang magpakilig, magpatawa.”

Dagdag pa niya, “Sobrang nagpapasalamat, unang-una sa manager ko, kay Boss Vic [del Rosario], kasi very supportive siya.

“Alam niya, part of my goal ko ito, also with ABS CBN, kasi nauunawaan naman nila.”

Kinumpirma rin ni Sarah na hindi na siya mapapanood sa The Voice Kids.

Pero alam ba niya kung sino ang papalit sa maiiwan niyang puwesto?

Sagot ni Sarah, “Alam ko na rin, sobra-sobra akong excited sa mga magiging mga young artists at sa viewers, of course.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN