Sarah Geronimo mum about rumored feud with Mommy Divine

Sarah Geronimo on keeping her relationship with Matteo Guidicelli private: "Lahat tayo entitled tayo sa sarili nating privacy, di ba? Choice naman ng bawat isa 'yan, especially kaming artista. Nasa sa amin naman yun kung paano namin mapag-iingatan ang sarili. Everyone deserves happiness."


Mariing itinanggi ni Sarah Geronimo na umalis na siya sa kanilang bahay at namumuhay na nang mag-isa ngayon.

“Hindi ako lumipat ng bahay, grabe siya!” bulalas ng Pop Princess nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News pagkatapos ng contract signing niya sa ABS-CBN kahapon, April 4.

Umiwas naman si Sarah na pag-usapan ang balitang lumayas siya sa bahay nila dahil nakaaway niya ang kanyang Mommy Divine.

Pakiusap niya, “Hindi po, gusto kong gawing private yung ganyang issue.

“Kasi, paano po ba… huwag natin siyang pag-usapan.

“Okay na po, huwag na nating pag-usapan.”

ENGAGEMENT RUMOR. Bagamat nasa tamang edad na, nilinaw ni Sarah na hindi pa sila engaged ng boyfriend niyang si Matteo Guidicelli.

“Tumatanda na ako, magti-treinta na ako, malapit na.

“'Yan naman, kahit minsan gustuhin natin, pero pag hindi pa talaga, hindi pa.”

Kailan niya ba gustong magpakasal kung saka-sakali?

“Kasal? Sana early 30s, pinaka-late na yung 32.

“E, sana… puro sana!” medyo natawang sabi ng 27-year-old singer-actress.

Sa kabila ng bukas naman sa publiko ang relasyon nila ni Matteo ay tipid pa ring magbahagi si Sarah sa mga kaganapan sa matagal-tagal na rin nilang relasyon.

Paliwanag ng Pop Princess, “Lahat tayo entitled tayo sa sarili nating privacy, di ba?

“Choice naman ng bawat isa ‘yan, especially kaming artista.

“Nasa sa amin naman yun kung paano namin mapag-iingatan ang sarili.

“Everyone deserves happiness.”

MISS INDEPENDENT. Noong nakaraang birthday ni Matteo ay lumipad si Sarah papuntang Cebu upang makapiling ang nobyo at ang pamilya nito.

Saad niya, “Nung umpisa nga, ayokong sabihin, pero kaya lang nagkumustahan kami.

“Okay naman. Usually pag Holy week, nag-i-stay lang kami sa bahay, pero sinadya ko na magpunta ng Cebu para mag-celebrate.

“Very intimate lang, private lang, mga employees lang ng bago nilang business.

“Yun lang, yung family niya, kasama ko yung friends ko, simple lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung [March] 26, nung birthday niya, day itself, then bumalik ako [sa Manila] the next day.”

Marami ang natutuwa na nakakagawa na ng sariling mga lakad niya si Sarah na hindi kasama ang mga magulang.

Sabi niya tungkol dito, “Step by step po, step by step.

“At least po kahit papaano. Masaya naman, oo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN