Heart Evangelista willing to mend fences with foes: "Yeah naman, 'no, hirap kaya ng ganyan."

Handa na raw si Heart Evangelista na makipag-ayos sa sinumang kanyang nakasamaan ng loob noon. Dapat daw sa panahon ngayon ay huwag nang isipin ang mga negatibong bagay kundi dapat maging masaya na lang daw ang lahat.


Maaliwalas, mukhang masaya, at kuntento sa buhay ang aura ng Kapuso star na si Heart Evangelista.

Mukhang malaki ang nabago sa buhay niya simula nang ikasal siya kay vice-presidential candidate Sen. Chiz Escudero noong 2015.

Kaya naman hindi na kami nag-atubiling itanong ang posibleng tanong din ng iba pang mga tagahanga ni Heart: Handa na ba siyang makipag-ayos sa mga nakaalitan niya nitong mga nagdaang taon?

Sagot ng aktres, “Yes. But I think mas mabuti pang hindi ko na lang i-touch base.

“Madaldal kasi ako, e, mahilig akong magsagot ng mga tanong, but better not to touch base.

“Maybe they’ll appreciate that more if you don’t talk about it.

“And then privately you do something about it.”

Handa na ba siya sa mga ganung pagkakataon?

Ayon kay Heart, “Yeah, naman, ‘no, hirap kaya ng ganyan [may kaaway]!

“Kailangan lahat happy, happy, ‘no?

“Happy akong tao, so friendly ako, puwera yung negative, happy lang.

“Ang hirap ng buhay, dapat happy na lang.

“You’ll never know when time's up, di ba?”

Ang mga huling nakasamaan niya ng loob ay ang kanyang mga magulang na naayos na rin nitong mga nakalipas na buwan.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng publiko ang naging alitan nila ng kapwa niya Kapusong si Marian Rivera.

Nakausap ng PEP at iba pang entertainment press si Heart sa pocket presscon nila ni Dennis Trillo para sa upcoming GMA Telebabad show nilang Juan Happy Love Story, ngayong Martes, April 5.

Ginanap ang event sa dining area ng Studio 7 ng GMA Annex Building, Timog Avenue, Quezon City.

JUAN HAPPY LOVE STORY. Bukod sa pagiging abala sa pangangampanya, pinagtutuunan din ng pansin ni Heart ngayon ang taping ng Juan Happy Love Story dahil excited daw siya sa show.

Kakaiba raw kasi ito sa mga nagawa na niya sa GMA Network nitong mga nagdaang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Well, kasi kakaiba siya.

“Excited ako, in a way... mahirap, iyak nang iyak sa telenovela.

“And for many years, yun lang yung ginagawa ko.

“So, ito, parang hindi ka nagtatrabaho.

“And it’s like commercial break sa everyday life ko na medyo naging seryoso these days, so happy ako.”

Ang Juan Happy Love Story ay kuwento ni Happy (Heart) na mapapangasawa ni Juan (Dennis) ngunit hindi sila magkakaanak.

Naging masalimuot ang pagsasama nila dahil dito kaya naman napagkasunduan nilang mag-ampon, si Love.

Bukod sa romance at comedy, may halong pagka-sexy and naughty ang tema ng teleserye.

Marami raw 'firsts' na naranasan dito si Heart.

“Kissing scene na medyo passionate, scenes na medyo nagtutulakan kayo na naghahalikan, ganun.

“Awkward sa akin yun. But Dennis is very professional, super.

"Alam din siguro niya na kung paano niya ako hahalikan na hindi ako medyo mabastos.”

Nakatakda itong ipalabas sa kalagitnaan ng Mayo sa GMA Telebabad, sa direksiyon ni LA Madridejos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN