Heart Evangelista reveals her secret to dealing with bashers

Naniniwala si Heart Evangelista na hindi lahat ng bashers ay walang itinatagong kabutihan sa kanilang mga puso. Kaya naman daw kapag napansin niyang may bashers na medyo nagpapakita ng sinsiredad ay nagri-reach out siya sa mga ito.


Isa si Heart Evangelista sa mga artistang sentro ng pamba-bash sa social media.

Daan-daang mga masasakit na komento ang minsa'y ibinabato sa kanya ng bashers.

Tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Kapuso actress-TV host: Nasasaktan ba siya sa mga ito?

Pag-amin ni Heart, “Dati oo, dati iniiyakan ko sila.

“You develop a certain immunity, you know.

“I mean, there are days that you’re weak, there are days that personally you are going through something or pagod ka, naba-bother ka, napapasagot ka ng konti.

“But as a whole, the whole thing, okay na ako. Nasanay na rin ako.”

Sa ngayon daw, lalo't panahon ng kampanya at tumatakbo sa pagka-bise presidente ang asawa niyang si Senator Chiz Escudero, iniiwasan na lang daw ni Heart magbasa ng mga komento sa Facebook at Instagram.

Sa tingin ba niya, may mabuting naidulot ang bashers sa mga bina-bash nila?

Sagot ni Heart, “Of course. May mga bashers naman, yung mga criticisms nila, para sa ikabubuti mo.

“Pero yung iba [hindi mo alam kung saan galing yung pamba-bash].

“Ganun talaga. This is the world we live in.”

Sa tingin ba niya, tini-test ng ibang bashers ang isang artistang tulad niya kung mapipikon o mananatiling deadma na lang?

“Minsan ang ginagawa ko, kung talagang bother na bother ako, pag hindi troll, idi-direct message ko siya.

“Minsan yung mga account nila walang posts, or post lang ng kung sinong artista, so alam mong troll.

“Parang they don’t live a normal life kumbaga.

“So, when you look at their posts and you’ll see na mukhang mabait naman, I reach out.

“And mga 70 percent of the time, they become my fans.”

Nakausap ng PEP at ilang miyembro ng media si Heart sa pocket presscon ng bago niyang primetime series na Juan Happy Love Story kasama si Dennis Trillo, kahapon, April 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“NOT EVERYBODY IS A TROLL.” Sabi pa ng actress-TV host, minsan daw ang tao, kung makausap mo lang nang personal ay may kabaitan din pala sa kanilang mga puso na itinatago lamang.

“You see somebody from afar, you could say this, you could say that, pero pag kinausap ka na ng tao, ang laking difference nun.

“Kapag hinawakan ka nga lang ng isang tao, parang [nakakataba ng puso].

“Not everybody is a troll. They always have, you know, something in their heart, you just have to touch that.

“So, as much as possible, kapag may nakita ako, tingnan ko [mga posts niya], ‘Normal na tao ba ‘to, may anak siya, happy naman siya, sige, message kita.’”

Nakaugalian na raw ito ni Heart kaya hindi na siya masyadong nakararanas ng bashing ngayon.

Pero tanong ng isang entertainment editor: Why not deactivate your social media accounts to spare you from bashing?

Tugon ni Heart, “Because I cannot live my life because everyone [is on social media], you know.

“We only live once, and at the end of the day, we’re all gonna go to Heaven.

“Pag namatay tayo, wala tayong ka-holding hands, nag-iisa lang tayo.

“So we got to live our lives the way we would like to live our lives.

“Whatever makes us happy… we cannot live according to what people, you know, wanted you to be. So, yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN