Luis Manzano learns to shrug off false rumors about him

Luis Manzano on forgiving a netizen who insulted him in social media: "I make mistakes too, kaya nga madaling magpatawad dahil humihingi din ako tawad paminsan-minsan sa mga nao-offend kong mga tao pag may nasabi akong hindi maganda. Parang ganun din, kunwari may na-type siyang di maganda, inasar niya ako, okay, nag-apologize siya, tapos."


Kilala si Luis Manzano bilang isa sa mga celebrity na game makipagsagutan sa bashers.

Pero kamakailan ay isang netizen ang pinatawad ng Kapamilya TV host-actor pagkatapos ng “April Fool’s Day” post nito laban sa kanya.

Read: Netizen apologizes to Luis Manzano after posting insult

Ayon kay Luis, “Kulitan lang kasi ‘yan.

“I make mistakes too, kaya nga madaling magpatawad dahil humihingi din ako tawad paminsan-minsan sa mga nao-offend kong mga tao pag may nasabi akong hindi maganda.

“Parang ganun din, kunwari may na-type siyang di maganda, inasar niya ako, okay, nag-apologize siya, tapos.

“Kasi kahit naman ako sa mga barkada ko, kahit ako sa mga pinu-post ko, may na-offend ako, I apologize.”

Kuwento pa niya, “May na-post ako before, na parang isang tao na di maganda yung grammar, yung pagkaka-post.

“Someone told me yung tao na yun was deaf-mute kaya iba rin ang comprehension.

“So I apologized, I took down the post.

“Ganung kadali lang sa akin yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa press launch ng kanyang bagong game show sa ABS-CBN, ang Family Feud, kahapon, April 4.

ATE VI'S REACTION. Ano naman ang reaksiyon ng kanyang ina na si Governor Vilma Santos pag naba-bash siya at sumasagot sa bashers?

Ayon kay Luis, “Si Mommy din naman, alam niya ang mga pinagdaanan ko.

“Kahit siya din, ang dami niyang pinagdaanan. I’m sure my mom had her fair share of haters.

“Mas matindi pa siguro nung may Vi and Guy [Nora Aunor].

“Kasi sa kanila pa nga, nagsasakitan pa yung mga fans nila.

“Kung yung mga fans nila nagkakasakitan, paano pa kaya yung mga sinasabi?

“So, alam na ni Mommy yun.”

GAY RUMOR. Isa sa paulit-ulit na nagiging topic ng pamba-bash kay Luis ay ang pagkuwestiyon sa kanyang gender.

“Bata pa lang ako, ‘yan na talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro hindi lang nila makuha ang katawan ko!” biro pa niya.

Paglilinaw ni Luis, “Hindi, kunwari yung bakla… walang masama sa pagiging bakla.

“It’s not a derogatory term, kung bakla ka, e, di bakla ka, by all means.

“Pero alam mo pag ginagamit siya bilang masamang paksa.

“Pag tinawag kang ‘bakla,’ go ahead, there’s nothing wrong with being a gay.

“Pero pag yung tira sa akin, tira, e, ginagamit mo siya with negative connotation, so para sa akin, mali yun.”

ANGEL LOCSIN. Kung si Luis ay natsitsimis na bakla, ang kanya namang ex-girlfriend na si Angel Locsin ay sinasabihan ng “tibo.”

Pahayag ni Luis tungkol dito, “It’s part of the industry, anything from name calling, bashing…

“Ito ang industriya na nagpatotoo na hindi totoo na when there’s smoke, there’s fire.

“Dahil ako, ang dami kong naririnig na issue tungkol sa akin na kahit katiting na pinanggalingan, wala.

“May balita nga ako na may nabuntis ako na beauty queen, sabi ko, ‘Paano nangyari yun?’”

Tungkol naman sa tsismis tungkol kay Angel, sabi ni Luis, “Tibo? Hindi talaga and she knows that.

“Dati ko pa inaano ‘yan, when people would even ask me, hindi ko inaano ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN