Nikki Gil no baby announcement yet: "Kanin lang. Extra rice."

Nikki Gil on her temporary break from showbiz: "I'm really enjoying the downtime."


Sobrang ini-enjoy ngayon ng  actress-TV host na si Nikki Gil ang kanyang bakasyon mula sa showbiz.

Simula nang ikasal sila ng kanyang non-showbiz husband na si BJ Albert, madalang nang makita si Nikki sa telebisyon.

At tila ikinagagalak naman ito ni Nikki dahil nang tanungin ng entertainment reporters kung nami-miss niya ang showbiz, natatawa niyang sagot: “Hindi!”

Pero dagdag niya, “Although, you know, I miss the people, but I'm really enjoying the downtime.”

Sa kabila nito, okay naman daw siya sa pagiging abala sa ibang bagay sa labas ng showbiz.

“I'm really enjoying my time. Ang sarap sabihin na, 'Hindi, tulog na lang ako today,' very different.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Nikki sa launch ng four-hand massage ng Blue Water Day Spa, nitong Martes, April 5.

HONEYMOON AND BABY PLAN. Sa kanyang Instagram account, kapansin-pansin din ang pagpu-post niya ng masasayang honeymoon trips nila ni BJ.

We did a walking city tour of Paris and our guide happens to be a professional photographer ???????? @localersparis

A photo posted by Nikki Gil-Albert (@nikkigil) on

Ayon kay Nikki, “I've been preserving memories a lot these days.

“We're trying to get all the travelling out of the way before, maybe, God-willing, na magka-baby para hindi na mahirap.”

Ibig sabihin ba nito ay magkakaroon na ng baby announcement soon?

“Wala pa. Kanin lang. Extra rice lang,” biro ni Nikki.

At kahit nag-announce na ng kanyang pagbubuntis ang kaibigan niyang si Iya Villania kamakailan, hindi naman daw nakararamdam ng pressure si Nikki.

Katuwiran niya, “Kasi, hindi ko naman kontrolado yun, e. Kung dumating, dumating.

“Kung ibibigay ng Panginoon, ibibigay. Kung hindi pa, hindi pa.

“I'm just enjoying where I am right now in this new season and new chapter in my life.

“It's a different direction, I think. If God's gives it...”

Sa ngayon, ayon kay Nikki, “Pahinga muna.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN