Dennis Trillo on relationship with Jennylyn Mercado: "Mas gusto lang siguro namin tahimik."

Kahit 34 years old na, hindi pa rin daw minamadali ni Dennis Trillo na maikasal sa babaeng gusto niyang makasama habang buhay. Ini-enjoy pa raw kasi niya ang kanyang buhay, karera, at pamilya.


Isang playboy ang role ni Dennis Trillo sa bago nitong teleserye sa GMA Network, ang Juan Happy Love Story, na nakahanap ng babaeng pakakasalan pagkatapos maugnay sa maraming babae.

Sa totoong buhay, gusto ring maikasal ni Dennis sa babaeng nais niyang makasama habang buhay.

Saad ng Kapuso actor, “Of course, of course.

“Pero siyempre ngayon, wala pa lang mga ganung plano dahil, para sa akin, hindi ko minamadali yung mga ganung bagay, dahil napaka-sacred nun.

“And talagang kapag nakapag-decide ka na ng ganun, there’s no turning back.

“Talagang desidido ka nang mangyari sa buhay mo yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa pocket presscon nila ni Heart Evangelista para sa upcoming primetime series na Juan Happy Love Story, kahapon, April 5.

Ginanap ang presscon sa Studio 7 ng GMA Annex Building, Timog Avenue, Quezon City.

“GUSTO KO MANGYARI SIYA NATURALLY.” Wala naman daw sini-set si Dennis na edad kung kailan siya lalagay sa tahimik at magpapakasal.

“Wala, e. Ayokong i-pressure ang sarili ko, ayaw kong i-stress out kakaisip kung kailan ako ikakasal or what.

“Naniniwala lang ako kapagka naramdaman mo na yun, hindi mo na kailangan isipin kung kailan.

“Bugso yun, e, bigla mo na lang siyang mararamdaman.”

Thirty-four years old na ngayon si Dennis. Ang kasalukuyang nauugnay sa kanyang si Jennylyn Mercado ay 28 naman.

Sa tingin ba niya ay si Jennylyn na ang babaeng papakasalan niya balang-araw?

Ayon kay Dennis, “Hindi ko masasabi ngayon, ayoko namang i-confirm.

“Pero ang masasabi ko lang, masaya kami pareho sa mga nangyayari sa buhay namin -- personal at sa trabaho.”

Bakit hanggang ngayon ay ayaw pa rin nilang kumpirmahin ang relasyon nila?

Nakangiting sagot ng tinaguriang Drama King ng GMA, “Hindi lang kami yung ganung klase ng tao.

“Mas gusto lang siguro namin tahimik, hindi masyado pinag-uusapan.

“Hinihiwalay namin yung trabaho sa personal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, parang ‘what you see is what you get’ pa rin ba ang relasyon nila?

“Yun, ganun na lang siguro,” pagsang-ayon ni Dennis.

COMPLETE FAMILY. May isa nang anak si Dennis sa dating nobyang si Carlene Aguilar. Pero mas gusto ba niyang magkaroon ng buong pamilya?

Sagot ng aktor, “Mas yun siguro.

“Pero ngayon kasi, masaya pa rin naman ako sa mga nangyayari sa buhay ko, sa pamilya ko.

“And yung mangyayari in the future, bahala na, ayoko lang madaliin.

“Mas maganda kapagka yung natural na proseso ang mangyayari.

“Pagdating sa marriage, ayoko kasing pilitin, e.

“Gusto ko mangyari siya naturally and, yun, sa tingin ko mas masaya siya kapag dumaan siya sa ganung process.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN