John Lloyd Cruz admits meeting ex-girlfriend Angelica Panganiban in Hong Kong

John Lloyd Cruz on his role as a bachelor facing the prospect of fatherhood in the new Star Cinema movie Just The 3 of Us: "Yes, nakaka-relate ako sa pinagdadaanan ng character ko. Personally, parang ganun pala yun kapag napupunta sa ganitong edad. Yung mga issues na tina-tackle dito, hindi din nalalayo sa totoong buhay. Challenging kasi it's very familiar."


Sa pagpasok pa lang ng taon, naging usap-usapan ang paghihiwalay ng Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz sa long-time girlfriend nitong si Angelica Panganiban.

Read: John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban called it quits, says source

Mahigit dalawang buwan matapos ang kanilang hiwalayan, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press ang estado ng puso ngayon ng aktor.

Sa isang bahagi ng panayam, na ginanap sa set ng bago nitong pelikulang Just The 3 of Us sa Pampanga ngayong Miyerkules, April 6, sinabi ni John Lloyd na magkaibigan pa rin sila ni Angelica.

Saad pa niya, “Wala naman po tayong iniiwasan.

“Parang sa buhay po, life is too short para meron pa pong gustong iwasan na tao, di ba?

“Especially kung may pinagsamahan kayo, di ba? Parang, wouldn’t you want time to catch up?”

CHANCE MEETING? Nitong nakaraang Holy Week, nagbakasyon sa Hong Kong si John Lloyd; kung saan namataan siya kasama sina Aga Muhlach, Charlene Gonzalez, at ang dati niyang nakarelasyon na si Ruffa Gutierrez.

Nagkita-kita ang tatlo noong March 28 sa Art Basel, isang art fair sa Hong Kong.

Nung mga panahong ito, nag-upload din si Angelica ng kanyang litrato mula sa Art Basel.

Kasama naman niya ang kanyang Banana Sundae co-star na si Aiko Climaco at ang celebrity stylist na si Patty Yap.

#FinallyImHomeKong Art Central 2016 #LookSoTotoo #artcentralhk

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Kaya naman napaisip ang kanilang Instagram followers kung nagkita nga ba sila sa Hong Kong.

Hindi naman itinanggi ni John Lloyd na nakita niya ang dating kasintahan doon.

Kuwento ng 32-year-old Kapamilya actor, “Marami akong kaibigan na... if you're asking kung nagkita kami [Angelica] or ganyan… nagkita kami, napakaliit lang ng Hong Kong.

“Hindi ko naman siya iniiwasan, hindi naman niya ako iniiwasan, so I don’t think…

“Siguro nabibigyan lang ng kahulugan or ng malisya given the history.

“Pero nagkita lang po kami dun kung paano ko nakita sina Kuya Aga, si Ate Charlene…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ruffa din, nag-picture pa nga kami, e.

“Nagkita-kita kami—si Kuya Aga Muhlach, Si Ruffa, si Ate Charlene—sa isang gallery.”

TOO PERSONAL. Patuloy na may kumukuwestiyon at nagsasabihing hindi raw tunay na nagkahiwalay sina John Lloyd at Angelica.

Bagkus, nais lang daw ng dalawa na magkaroon ng privacy kaya lumabas ang tungkol sa breakup nila.

Paglilinaw ni John Lloyd, “Parang it’s always hard to go into details.

“Sana po, I mean, sana kaya naming sagutin yung gusto malaman ng iba.

“Pero yun ho, e, kasi parang it’s almost impossible, kasi it’s too personal.

“Naiintindihan naman namin how public our lives are, pero para rin pong maprotektahan yung natitirang konti para sa amin, e, nahihirapan po kami to go into details.

“Pero we always try our best na ibigay sa public namin at sa inyo yung kaya naming maibabahagi...

“And we always try to be as honest as possible. After all, napakaliit lang ng mundo natin lahat, e.

“Kahit pumunta ka ng Hong Kong, kahit Zimbabwe pa, di ba, merong makakakita’t makakakita sa ‘yo.

“And I don’t want to live my life that way, na nagtatago ako or meron akong gustong ilihim.

“Because I’m a very practical guy. What you see is what you get.

“Kung meron akong mahal, I’m not gonna go shouting it to the whole world, pero hindi rin po ako magtatago."

Handa na ba siyang umibig ulit?

Pabirong sagot ng Kapamilya star, “Bibigyan po namin kayo ng advice.”

Dugtong pa nito, “Wala naman po nakakapagsabi yata nun.

“Kaya siya nakaka-excite because of the fact na wala namang nakakapagsabi sa ’yo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN