KC Concepcion's birthday wish: "Sana mahanap na ako ni the one."

KC Concepcion's birthday wishes include finding the right guy: "Sana mahanap na ako ni 'the one.'"


Sa sobrang abala ni KC Concepcion sa kanyang online shop with a cause, ang kcscloset.com, hindi na raw niya naisip maghanda para sa kanyang ika-31 na kaarawan ngayong araw, April 7.

Sabi ni KC, “This is my birthday blowout, actually. Hindi ko nga na-realize na birthday ko na talaga.

“Parang lahat ng energy ko nalagay ko na dito sa online shop, hindi ko na naplano ang birthday ko.

“Malalaman ko na lang mamaya ang true friend ko kapag tinext ko sila mamaya para sa salubong, di ba?

“This is going live by midnight. Baka secretly magsasama-sama para to give birth to this new project tonight.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si KC sa media launch ng kcscloset.com nitong Miyerkules, April 6.

Para sa kanyang kaarawan, hiling daw ng Kapamilya actress-TV host na maging successful ang “passion project” niyang ito na nagsimula lamang noon sa online auction para sa sinusuportahan niyang organisasyon, ang United Nations World Food Programme (WFP).

Aniya, “Napakalaking jump niya from my work as an actress, kasi it's a social enterprise, na hindi ko alam na social enterprise ang ginagawa ko.

“We started thinking about how to put pre-loved luxury goods online to be available to people na gustong mag-shopping ng mga second hand na branded items.”

Sa mga interesadong bumili ng kanyang pre-loved goods, sinisiguro ni KC na espesyal ang mga makikita sa kcscloset.com.

“Yes, may kamahalan, but if you get it at KC's Closet, it's not only less expensive because it's pre-loved or nagamit ko na, ginamit ko rin siya.

“So it's something na nakikita na ng mga taong nagagamit ko—whether it's designer gowns na di ko na mauulit or favorite shoes or branded bags.

“Lahat 'yan may sentimental value sa akin, so I really make sure na maganda rin ang pagpe-present sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May value rin ang ganyan, ang paglagay sa online shop.”

Hiling din ni KC na, “Hopefully, there are good movies and good shows na talagang magandang gawin, not just for the sake na you're there.”

WISH FOR HER HEART. Bukod sa success ng kanyang online shop, hindi naman itinanggi ni KC na kasama sa kanyang birthday wishes ang pagkakaroon muli ng love life.

“Sana mahanap na ako ni 'the one.'

“Hindi yung ako ang naghahanap, hanapin niya ako!” natatawang sabi niya.

Biro pa ni KC, “Sweep me off my feet.”

Sa kabila nito, umiwas naman ang actress-TV host na pag-usapan ang tungkol sa estado ng kanyang love life ngayon.

“Kapag talagang super special na siya saka ko na lang ikukuwento,” sabi ni KC nang tanungin kung mayroon nang someone special sa kanyang buhay.

Aminado si KC na mailap na siya ngayon pagdating tungkol sa kanyang love life.

Paliwanag niya, “Kasi ang dami ko nang pinagdaanan, di ba, sa love life ko?

“You know why? Kasi feeling ko ang dami nang nangyayari sa akin. It's not just my love life.

“Hindi ba pwedeng bigyan niyo ako ng chance pag-usapan ang trabaho ko kasi nagwo-work naman ako?

“Ang ganda lang na, for once, hindi lang about lovelife ang sinasabi ko.”

Pero tiniyak naman niyang “May happiness sa heart ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN