Ana Capri claims she was harassed by unidentified man at Palace Pool Club

Actress Ana Capri recounts to PEP her experience at the Palace Pool Club where an unidentified man allegedly grabbed her ass.


Marami ang nakapansin sa ipinost ng aktres na si Ana Capri sa kanyang Instagram account noong Martes, April 5, na “I got harassed.”

Nasa caption nito: “Sorry guys for ranting like this, as much as I would like to put it behind me. I’m terribly still bothered with what happened to me this past weekend.

“I went to Pool Palace Club to have some fun but got traumatized instead. I got sexually harrased and got physically assaulted for defending myself.

“I asked help from their security and received a run around instead. I fell bothered, violated, insulted, and betrayed. I just cannot be quiet about this.”

ANA’S STORY. Kahapon ay tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ana para linawin ang ipinost niyang iyon.

Mangiyak-ngiyak na inilahad ng 34-anyos na aktres ang nangyari diumano sa kanya sa Palace Pool Club sa Uptown Bonifacio, Taguig City.

“Hangout lang ako dun with some friends.

“Nag-lowbat ang phone ko. Sa table kasi namin walang outlet dun para makapag-charge.

“Nagsaksak ako dun sa may towel area, sa gitna ng pool club na malapit sa female [toilet] ang male toilet.

“Nakatayo lang ako dun, maayos naman ang pananamit ko.

“Nananahimik ako dung nag-charge ng phone, bigla na lang na may lumapit sa likod ko, hindi ko siya nakikita.

“Bigla na lang may naglamutak ng puwet ko. Nagulat ako, nilingon ko siya.

“Paglingon ko, nakita ko yung matanda... na hindi ako sure kung Chinese siya, Japanese, Korean o Filipino-Chinese.

“Wala akong ideya, basta singkit siya. Siguro mga nasa 50s siya, ganyan.

“Nakatingin lang siya sa akin. Sabi ko sa kanya, 'Hey, what’s your problem? Why you’re grabbing my ass like that?'”

Patuloy ni Ana, “After nun, tinapik ko siya. Kumbaga, yung kamay ko, galing sa harapan lang na parang tapik lang talaga, hindi yung bonggang sampal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang nangyari sa kanya, ang ini-expect ko na mag-sorry siya, bigla niya akong sinampal pabalik!

“Mas malakas pa yung sampal niya dun sa pagkakatapik ko sa kanya.

“Kung makikita sa CCTV, yung kamay niya, nanggaling pababa. So, ibig sabihin, may buwelo, di ba?

“Medyo nakakita ako ng stars. So, medyo natakot ako sa kanya.

“Hindi siya nagsasalita, nakatitig lang siya sa akin nang pagkatalim-talim.

“Pinagduduro niya ako. Hindi naman tumama sa mukha ko, pero dinuduro niya.

“Lalo tuloy wala akong nasabi. Kaya umatras ako.

“Natakot ako baka sapakin ako. Natatakot ako na baka may magawa siya sa akin na mas harmful.”

CALL FOR HELP. Mabuti na lang daw at mayroong lifeguard na nakasaksi sa nangyari.

Kaya doon daw siya humingi ng tulong nang lumapit ito sa kanila. Pero lumayo raw ang taong nanghipo sa kanya.

Kaya bumalik daw si Ana sa mga kasamahan niya sa kanilang table para magsumbong.

Walang kamalay-malay ang mga kasamahan niya sa mga nangyari dahil hindi naman daw nag-hysterical doon si Ana, kaya may mga ilan na hindi nakapansin sa naturang gulo.

Sinamahan daw si Ana ng mga kasamahan niya upang habulin ang taong nambastos sa kanya.

Tumuloy raw ang taong ito sa pintuan papuntang Revel Bar, pero na-hold daw ito ng bouncer at pinatawag na ang security manager ng Palace Pool Club.

Doon na nagsumbong si Ana at magpa-file daw sana siya ng reklamo.

Ikinuwento raw niya ang buong pangyayari at tinanong ang security manager kung ano ang tamang proseso ng pagreklamo.

Saad ni Ana, “Ang sabi niya sa akin, ‘Ma’am, may mga pulis diyan sa labas ng Revel sa front.

“Kung gusto niyo i-complain natin para maano siya sa ginawa niya.

“Nag-uusap na kami, pinatanong ko sa kanila kung ano ang pangalan niya [suspect], kasi nandun lang siya sa harapan namin.

“Ayaw nila akong lumapit at ayaw din nilang palapitin ito sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kalmado pa ako na nagtanong sa security manager. Sabi ko, ‘Di ba, dapat tanungin natin kung ano ang pangalan niya?’

“Sabi lang ng security manager sa akin, ‘Don’t worry, ‘Ma’am, I’ll get his name.’

“Nakatingin lang siya [suspect] sa akin nang matalim.

“Pero maya-maya, paglingat ko, nawala na yung mama. Pumasok na siya sa loob ng Revel.

“Tinanong ko sila kung saan na yung mama. Sabi niya [security manager], ‘Don’t worry, Ma’am, we’ll look for his name.”

CAUGHT ON CAMERA. Doon na raw lumabas si Ana at tinanong sa reception kung nasaan na yung taong yun, pero sinabi sa kanyang nakaalis na raw ito.

Paglabas ng aktres at nakakita siya ng mga pulis, kaya tinanong na rin daw niya ang mga ito kung nakaalis na ang taong inirereklamo niya.

Nakaalis na raw. Wala rin daw silang alam sa nangyari sa loob dahil wala pang nakarating na reklamo sa kanila.

Kaya nalito na raw si Ana dahil tingin daw niya ay inilabas na ng mga staff ng Palace Pool Club ang taong inirereklamo niya.

Pagkatapos nito ay nagdesisyon si Ana na magpa-blotter sa police station ng Bonifacio Global City.

Kahapon, April 6, ay bumalik daw sila sa Palace Pool Club para i-check ng mga pulis ang CCTV.

Nagulat si Ana dahil nakunan daw sa CCTV na hinatid pa ng bouncer palabas ang taong inirereklamo niya at pinasakay na ng kotse.

Saad niya, “Natawa na lang ako sa ginawa nila.

“Sabi ko nga, ‘Ang ganda naman ng security niyo. Hinatid pa, at sinigurado na safe na safe siya.’

“Parang hindi nila yata in-expect na hanapin namin yung CCTV na yun.

“Di ba, sinigurado nila sa safe na safe siya at sinigurado pa na sa loob na siya ng kotse niya?

“Samantalang ako, nagmukhang tanga na hindi ko na nalalaman, wala na pala yung kinu-complain ko na tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pursigido raw si Ana na ituloy ang reklamo niya laban sa taong nambastos diumano sa kanya, at maaaring pati na rin sa Palace Pool Club na nararamdaman niyang tila mas binibigyan pa ng proteksiyon ang taong nambastos at nanakit daw sa kanya.

Pahayag ng aktres, “Anong sistema o anong management meron ang security o ng Pool Palace?

“Anong proteksiyon ng mga tao rito, na anything pala puwedeng mangyari dito, basta for sure na VIP ako, okay lang?

“Pero ang mga ordinaryong tao, na ako nga, hindi naman sa nag-aano, pero kahit papa'no puwede ko i-voice out sa public ‘yan dahil public property ako, pero nangyari pa rin sa akin ‘yan at dinedma niyo pa rin ako.”

Hindi lang daw puwedeng sabihin ni Ana kung ano ang susunod na hakbang na gagawin niya dahil pinayuhan daw siyang ng abugado niyang manahimik na muna.

Napag-alaman din ng PEP na lalapit na rin si Ana sa National Bureau of Investigation (NBI) para iparating ang ginawa sa kanya.

Mamayang hapon, April 7, ay pupunta siya ng NBI para pormal na maghain ng reklamo sa taong nambastos sa kanya at maimbestigahan kung sino ito.

Sinubukan na rin ng PEP na hingan ng panig ang Palace Pool Club, pero nakiusap ang taong nakausap namin na off the record muna ang sagot niya.

Paiimbestigahan daw muna niya ito sa security ng naturang establisimyento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN