Liza Diño and Aiza Seguerra to undergo in vitro fertilization this year

Liza Dino on having a baby with partner Aiza Seguerra through in vitro fertilization: "I would want him to experience that same feeling to have his own blood, di ba, iba yun, e. I would love to see him raising a child na talagang kanya. And I really love him."


Kinumpirma ni Liza Diño-Seguerra na itutuloy na nila ng asawang si Aiza Seguerra sa last quarter ng taong ito ang plano nilang magka-baby sa pamamagitan ng In Vitro Fertilization (IVF).

Matatandaang naunang inihayag ni Aiza ang plano nilang ito sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumabas noong January 5, 2016.

Sabi ni Liza, “Three months kaming magbe-base sa States para lang gawin itong prosesong ito.

“Kasi Aiza has to go to the clinic all the time.”

Anong mga buwan sila mananatili sa Amerika?

“October to December.”

Paano ang career at showbiz commitments nila ni Aiza?

Ayon kay Liza, “Well, si Aiza, yung commitments niya this year… na-check na niya lahat ng commitments niya.

“We’re preparing for it, medyo malaking risk iyon.

“So, he’s gonna have concerts abroad to make up for the time.

“And this is the first time he’s gonna be gone from the Philippines for that long, e.

“But basically parang magkakaroon lang din siya ng US tour, ganun.”

Nakausap ng PEP si Liza sa presscon ng 2nd Sinag Maynila Independent Film Festival 2016, na ginanap noong April 5, sa Skypark Garden ng SM Aura Premier sa Bonifacio Global City, Taguig City.

Kabilang si Liza sa cast ng pelikulang Dyamper ni Direk Mes de Guzman, na isa sa mga entry sa Sinag Maynila.

Tatakbo ang naturang film festival mula April 21 hanggang April 26, 2016 sa mga select SM Cinemas.

HOW IT STARTED. Ikinuwento pa nga ni Liza kung paano nagsimula ang usapan nila ni Aiza tungkol sa pagkakaroon ng anak.

“Noong unang pinag-usapan namin iyan, nakakatawa, kasi hindi pa kami together.

“Siguro one day bago naging kami, parang ganun.

“Parang meron kaming isang buong araw na puwede naming itanong kahit ano sa isa’t isa na hindi namin idya-judge ang isa’t isa.

“Tinanong niya ako, ‘Will you be willing to carry my egg?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Huh? Bakit ko gagawin iyon, e, may sarili naman ako?’ Alam mo yun?

“Siyempre this is the first and only time that I went into this kind of relationship.

“So, there are a lot of new things na hindi ko naiintindihan.

“Pero iyon pala iyon, parang doon ko naintindihan na, siyempre ako na-experience ko na how to have a baby, how to have your own child.

“And I would want him to experience that same feeling to have his own blood, di ba, iba yun, e.

“I would love to see him raising a child na talagang kanya. And I really love him.”

Kailan siya pumayag sa gusto ni Aiza?

Sagot ni Liza, “Actually, it took siguro mga a day or two. 'Balikan kita diyan,' sabi kong ganun.

“Nung binalikan ko na siya, ‘A, okay, naintindihan ko na siya.’

“Lalo na yung what it meant na it’s a shared responsibility kahit na essentially wala akong… it’s not my DNA… hindi ko blood.

“It’s just my nourishment that’s gonna rear the baby.

“Pero even that, for me it’s a big thing kasi, di ba, nine months kong ike-carry?

“And because we are a family, and if this is the way that we can create this family and we can call our child, our child, then so be it.

“It’s a beautiful thing.”

SUPPORTIVE WIFE. Suportado raw ni Liza ang matagal nang kagustuhan ni Aiza na magkaroon ng sarili nitong anak mula sa dugo at laman nito.

Saad niya, “Well, our relationship goes through stages.

“Siguro nandoon kami sa stage na talagang gusto naming buuin yung pamilya namin.

“Our daughter is very much part of our decisions, and gusto na niyang magkaroon ng kapatid.

“Si Aiza naman, nandoon siya sa point ng life niya na he wants to have a kid of his own.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, the eggs are going to come from him, and we’ll get an anonymous sperm donor.

“And then I will be carrying the baby.

“Sana having this family will really create... parang eto na iyon, eto na yung dreams namin together na tina-try naming i-realize.”

Ang tinutukoy ni Liza na daughter ay ang 8-year-old na si Amara, anak niya mula sa previous relationship.

Lagi lang daw nakasuporta si Liza kay Aiza kahit nga noong dumaan sila sa financial problems noong isang taon.

“I really sat down with him. Sabi ko, tayong dalawa na ito.

“Sa hirap at ginhawa, kaya natin ito, kasi pinili natin itong dalawa. Kahit na anong mangyari, kasama mo ako.

“Itong pinili nating buhay ngayon, pangangatawanan natin ito sa hirap o ginhawa.

“So, nandito ako to support.

“Kung kailangan natin, you know, to scale our life down, okay lang sa akin.

“Kasi eto yun, e, mas mahalaga yung masaya kami, di ba?

“And nabubuhay kami nang malaya. I think priceless yun, e.”

TWINS? Sa panayam ng PEP kay Aiza, sinabi nitong kadalasan ay dalawang eggs ang ini-implant upang makasiguradong may mabubuo talaga. Kaya naman kadalasan ay twins tuloy ang nagiging bunga nito.

Handa rin ba si Liza kung sakaling twins ang maging anak nila ni Aiza?

“Gusto nga namin, e, kasi parang isang [anakan] na lang!” sabay tawa ng aktres.

“Kasi ganun talaga, e, more than one yung inilalagay para sigurado.

“That’s really yung normal o SOP [standard operating procedure].

“So, yes, I’m ready kung maging twins man, at least yun na iyon, we’re done, we’re good.”

Handa rin daw sila kung sakaling walang mabuo.

“Kasi ano ito, e, risky, hindi siya guaranteed.

“E, medyo malaking halaga din ang kailangan para lang to go with the procedure.

“And hindi siya guaranteed na 100 percent na I’ll get pregnant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But we’re crossing our fingers.”

GETTING READY FINANCIALLY. Dahil nga malaking halaga ang gagastusin nila sa proseso, talagang todo ipon daw silang mag-asawa ngayon.

Saad ni Liza, “Oo, as in lahat ng projects, tinatanggap.

“Luto ako nang luto ng adobo [para sa kanilang adobo in a bottle business].

“And right now, we’re participating in bazaars. Tapos nagsi-ship na rin kami sa ibang lugar, like yung mga nagba-bazaar sa Davao, ganyan.

“Okay naman, pero in terms of taking it to the next level na parang malaking business, hindi ko pa alam kung paano.

“Parang hindi ko pa kaya na sa iba ko inaatas yung pagluluto kasi siyempre baka masira yung quality. Talagang hands on kasi, e.”

Kahit si Aiza rin daw ay maraming dumarating na proyekto ngayon, kaya natutuwa sila na nakikiayon ang lahat sa kanilang plano. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN