Jasmine Curtis-Smith on love life: "Obviously naman things are doing great."

"Well, I think everyone is very aware [of] what's happening there. So, you know, may God be the greater glory, I guess that everything in my life is happy," says Jasmine Curtis about her present love life.


Simple lang daw ang naging selebrasyon ng ika-22 kaarawan ni Jasmine Curtis-Smith noong Miyerkules, Abril 6.

Kuwento niya, “We had family dinner, and kahapon I had taping sa Panday.

“During my birthday, I was actually at work. But I had time naman with bunso namin, si Charlie, nag-swimming kami sa umaga.

“And then, at night, lumabas kami, we went to get some desserts after dinner.

“So, ayun, thanks God maaga ako natapos sa taping. Inuna nila ako para mapagbigyan sa birthday.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jasmine sa press launch ng SM Little Stars 2016 nitong Huwebes, Abril 7.

Para sa kanyang kaarawan, ang hiling daw ni Jasmine ay hindi lang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa mga taong malalapit sa kanya.

“Continuous happiness lang and that I never lose the attitude of gratitude.

“Kasi, I think, when you’re able to be grateful for everything that you are receiving, that’s when God blesses you pa.

“As well as that I share my blessings more, whatever I have.

“I wanna share it with anyone around me, maybe with family, friends, or for example sa World Vision, sponsor kids.

“Whatever I can do to help this world a better place, sana.”

HAPPY LOVE LIFE. Samantala, bukod sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at career, may iba pang nagpapasaya kay Jasmine ngayon.

Ito raw ay ang kanyang love life.

Wala mang nabanggit na pangalan si Jasmine ngunit alam naman ng karamihan na ang kanyang tinutukoy ay ang rumored boyfriend niyang si Jeff Ortega.

Kapansin-pansin nga sa isang Instagram post ni Jasmine na kasama si Jeff sa birthday family dinner nila.

A few hours early ??? Missing you @carmcurtissmith @thomasjamescs @erwanheussaff ???

A photo posted by Jasmine (@jascurtissmith) on

Binati naman ni Jeff si Jasmine sa kanyang Instagram account na tinawag pa niyang “my love.”

Caption niya: “Happiest of birthdays my love! Stay happy.”

Happiest of birthdays my love! Stay happy ???

A photo posted by Jeff Ortega (@jeffortega) on

Nang tanungin ng PEP kung kumusta ang kanyang love life, nakangiting sagot ni Jasmine, “Obviously naman things are doing great.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, I think everyone is very aware [of] what’s happening there.

“So, you know, may God be the greater glory, I guess that everything in my life is happy. “


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN