DOLE set to discuss 8-hour standard work limit with TV networks

The Film Academy of the Philippines (in photo, director Leo Martinez) has submitted a directive to Department of Labor and Employment aiming for an eight-hour work cut-off in taping and shooting.


Puspusan ang ginagawang pagsulong ng mga taga-showbiz industry para baguhin ang work hours at working conditions ng mga artista at mangagawang taga-production.

Sa ulat ng TV Patrol kagabi, April 8, nagsumite raw ang Film Academy of the Philippines (FAP) sa Department of Labor and Employment (DOLE) ng isang draft ng directive para maipatupad ang walong oras na limit sa mga shooting ng pelikula at programang pang-telebisyon.

Ayon sa isa sa mga sections ng directive, hindi raw dapat sumobra sa walong oras ang trabaho ng mga taga-production sa loob ng isang araw.

Kung mai-extend man daw ang trabaho ay dapat na hanggang labing-apat na oras lamang ang magiging total number of work hours sa buong araw.

Isinaad din sa directive na ang “waiting time” kung saan sila ay “required and engaged by the network to wait” ay dapat na ikunsidera ring kasama sa oras ng kanilang total work hours.

Ang patas na “transportation and accommodation arrangements” sa lahat ng manggagawa ay kasama rin sa isinumiteng directive.

Ayon sa aktres na si Dina Bonnevie, ang mga taga-production ay kailangang magpahinga lalo na’t laganap ngayon sa industriya ang mga nasasawi dahil sa atake sa puso.

“Kailangan nating magpahinga, e.

“Minsan tayo sa showbiz, masyado tayong nagpupuyat, maraming inaatake sa puso.

“They’re trying their best naman na 12 o' clock, tapos na.”

Ayon sa ulat, sisimulan na ng DOLE sa Lunes, April 11, ang pagpupulong sa lahat ng namamahala sa mga TV productions para maipatupad nang maayos ang cut-off.

Matatandaang noong Marso, ang mga direktor na sina Wenn Deramas at Francis Xavier Pasion ay nasawi dahil sa atake sa puso.

Sunud-sunod naman ang naging hinaing ng mga artista at direktor tungkol sa mga cut-off sa taping at shooting.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN