Alden Richards advises Maine Mendoza to just ignore bashers: "Lilipas din 'yan."

Alden Richards admits to being affected by the wave of negative criticisms being hurled against screen partner Maine Mendoza on social media. "Hindi ko nga po maintindihan kung bakit ang dami-dami nilang sinasabi against Maine. To think na mas lagi ko po siyang nakakasama. Mas kilala ko po siya."


Kahit mismo si Alden Richards ay nagugulat sa mga naglalabasang paninira sa ka-loveteam niyang si Maine Mendoza.

Aminado ang Pambansang Bae na nakikita niya sa social media na nagri-react si Maine, at nalulungkot daw ito sa ginagawang pambabatikos sa kapareha.

“Hindi ko nga po maintindihan kung bakit ang dami-dami nilang sinasabi against Maine.

“To think na mas lagi ko po siyang nakakasama.

“Mas kilala ko po siya.

“Parang kailangan itigil nila iyun. Kasi parang wala naman silang proof, e,” pahayag ni Alden.

ADVICE TO MAINE. Sinasabihan na lang daw niyang huwag pansinin ang mga ito, dahil titigil din daw sila kapag mapagod na sa paninira.

“Sinasabi ko na lang sa kanya na lilipas din ‘yan.

“Ganun talaga sa simula.

"At the end of the day, mapapagod din ‘yang mga ‘yan, e. Titigil din sila,” sabi pa ng Kapuso actor.

GETTING CLOSER. Mas lalo raw silang naging close ngayon, kaya mas na-i-enjoy daw niya ang bonding nila sa likod ng kamera.

Doon daw niya mas nakilkiala ang ka-loveteam.

Kaya sinundan na namin ng tanong kung totoo ba ang sinasabi ng ilang fans na isang buwan na raw ang espesyal nilang relasyon?

“Ang hirap po kasing sagutin ‘yan e,” napapangiti niyang sagot.

Hindi pa raw niya ma-describe kung ano ang relasyon nila, at hindi rin daw niya masabi kung nandiyan na ba ang commitment nila sa isa’t isa.

“Basta we’re closer than we were before.

“Mas na-a-appreciate ko po yung moments ko sa kanya off-cam,” seryosong pahayag ni Alden.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN