Matteo Guidicelli denies rumors claiming Sarah Geronimo is pregnant

Matteo Guidicelli, 26, says he's in no rush to marry girlfriend Sarah Geronimo: ""If things happen, things will happen for a reason. Di tayo magmamadali, kung mangyayari, mangyayari."


Tulad ng kasintahan niyang si Sarah Geronimo, itinanggi rin ni Matteo Guidicelli ang mga balitang lumabas na engaged na sila at buntis daw ang kasintahan.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Matteo sa set ng Single/Single, siniguro ng aktor na sa ngayon ay focused sila pareho sa kani-kanilang mga projects na ginagawa.

Sabi niya, “May [balitang] engaged siya, may buntis siya. Di naman, wala naman.

“We’re both busy with both our jobs. She’s very busy, I’m also very busy right now.

“Everything is doing well, and we’re very thankful.”

Samantala, sa interview kay Sarah noong contract signing nito sa ABS-CBN ay nagpahayag ang dalaga na 32 ang target age niya para magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Si Sarah ay kasalukuyang 27 years old.

Para naman sa aktor ay nakita na niya sa kasintahan ang babaeng gusto niyang pakasalan, pero hahayaan niyang ang panahon ang magtakda nito.

“Wala naman, mayroon na akong reaksiyon dun, wag na sa TV.

“If things happen, things happen for a reason. Di tayo magmamadali. Kung mangyayari, mangyayari.

“Si Sarah na? Siyempre naman, siyempre naman,” lahad pa niya.

BIRTHDAY CELEBRATION. Masayang nagkuwento si Matteo tungkol sa nakaraang kaarawan niya na isinelebra sa Cebu, kung saan special guest ng aktor ang kanyang kasintahan.

Kuwento niya, “Masaya yung Holy Week.

“Usually, all Holy Week, nasa Cebu lang kami with the family, but this time, yung birthday ko mismo was Black Saturday.

“We didn’t really celebrate, we didn’t really have a big party. We just had good friends and family.

“Siyempre, my girlfriend was there and we opened the restaurant also on Monday. It’s called Trattoria da Gianni. It’s doing very well, we’re full house every night, so masaya."

Para sa sa yumao niyang lolo ang restaurant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I lost my Grandpa last year so Trattoria da Gianni is dedicated to my lolo."

Back to Sarah, “Siyempre, I’m extra happy that Sarah was with us on my birthday...

"I’m happy that she was there with my whole family."

Ano ang regalo sa kanya ni Sarah?

“Gift? Basta sakto na yun that she’s there.

“The happiness that she brought me and the whole family. That’s more than enough.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN