Ana Capri initiates probe into sexual harassment incident

Ana Capri sought the help of the National Bureau of Investigation (NBI) in initiating a probe into the sexual harassment incident that occurred at the Palace Pool Club in Taguig City last April 5: "Ayoko naman siyang palagpasin nang basta-basta lang. Binastos na ako, sinaktan pa ako. Hindi tama 'yon, di ba? Kaya kahit mapagod pa ako, kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko at thankful ako sa mga taga-NBI kasi ginagawa nila ang makakaya nila para matulungan ako."


Hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng update noong nakaraang April 9 via Facebook private messaging ang dating sexy actress na si Ana Capri kaugnay ng nangyari sa kanyang sexual harassment sa Palace Pool Club sa Taguig City.

Read: Ana Capri claims she was harassed by unidentified man at Palace Pool Club

Ayon sa aktres, nakakaramdam daw ito ngayon ng matinding stress dahil sa nangyaring pag-violate sa kanyang pagkababae noong nakaraang April 5.

Base sa kuwento niya sa naturang insidente, hinipuan daw siya ng isang medyo may edad na Chinese-looking na lalaki, at noong nagreklamo raw siya ay sinampal siya nito.

Mas nakaramdam daw siya ng inis noong lumapit siya sa ilang mga tauhan ng Palace Pool Club para magsumbong, pero imbes na tulungan siya, karamihan sa kanila ay tila pinagtatakpan ang identity ng nambastos sa kanya.

Ngayon lang daw naranasan ni Ana ang ganitong pakiramdam at ipinagdarasal niya na makuha niya ang hustisya.

“Grabe. Sobra ang stress at trauma ko dahil sa lalakeng ‘yon.

“Hindi kasi nakuha ang pangalan niya, e.

“Sabi ng mga tao roon na tumulong sa akin, taga-China raw yung lalake.

“This coming week, marami akong kakausapin,” diin pa ni Ana.

MEETINGS. Puro nga raw mga abogado at mga taga-NBI (National Bureau of Investigation) ang mga ka-meeting ni Ana para matulungan siya sa ihihain niyang reklamo laban sa lalakeng hinipuan at sinampal siya.

Patuloy niya, “Puro lawyers at taga-NBI ang schedule ko.

“Tapos may doctor pa. Kailangan din ng medical report kasi nasampal nga ako, di ba?

“Kaya isipin niyo na lang ang stress ko sa mga susunod na araw.

“Okey lang naman, hindi lang naman para sa akin ito kundi para sa ibang kababaihan para hindi sila maging biktima ng kung sinong lalake.

“Who knows kung sino pa ang naging biktima ng lalakeng iyon pero takot lang silang magsumbong, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

B-DAY WISH. Birthday ni Ana sa April 24 at wish niya na magkaroon na ng magandang resulta ang lahat bago sumapit ang kaarawan niya.

Aniya, “Tuwing birthday ko laging masaya ako. Chill lang ako.

“Pero this year nagkaroon ng ganitong situwasyon na hindi ko naman inaasahan.

“Kaya medyo sad ako kasi never pa akong na-involve sa ganito.

“Kilala mo naman ako, umiiwas ako sa gulo.

“Nagkataon lang na naging biktima ako.

“Ayoko naman siyang palagpasin nang basta-basta lang. Binastos na ako, sinaktan pa ako. Hindi tama ‘yon, di ba?

“Kaya kahit mapagod pa ako, kailangan kong ipagtanggol ang sarili ko at thankful ako sa mga taga-NBI kasi ginagawa nila ang makakaya nila para matulungan ako.”

NBI PROBE. Ang ginagawa raw ngayon ng NBI ay kinakausap na raw nila ang club management at hihingi ang kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage.

Ayon pa sa NBI Anti-Organized and Transnational Crimes Division (AOTCD) chief na si Attorney Manny Eduarte, “The best way siguro to have the identity is doon sa CCTV. And hopefully, the club will cooperate in the conduct of the investigation. Otherwise, sila pa ang ma-charge ng obstruction of justice.”

Ang naturang nambastos at nanakit kay Ana ay puwedeng maharap sa violation of Republic Act 9262 or the Anti-Violence Against Women and their Children Act as well as sexual harassment and physical injury.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN