Was Angelica Panganiban's Instagram account hacked again?

Angelica Panganiban claims her Instagram account was hacked on Saturday night, April 9.


Tila nabiktima muli ng isang hacker ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban.

Ngayon, muling napagdiskitahan ng di pa kilalang hacker ang kanyang Instagram account.

Kagabi, April 9, humingi ng tulong si Angelica sa kanyang IG followers kung paano masosolusyunan ang problemang ito.

Ayon kay Angelica, may nag-iiwan ng comment sa Instagram account ng kanyang mga kaibigan at hinihingi ang kanilang number.

Sabi sa post ni Angelica: "May hacker na nakapasok sa account ko. Nagccomment siya sa mga kaibigan ko. Nanghihingi ng mga number. At nagppost ng kung ano ano. Di ako maka log out sa account ko dahil baka di na ako makapasok ulit. Please let me know kung anong gagawin ko? May mga tumutulong na ayusin account ko. Salamat..."

Hindi ito ang unang beses na may sumubok mang-hack sa Instagram account ni Angelica. Noong April 2015, in-upload ni Angelica sa kanyang IG ang screenshot ng attempt ng hacker na baguhin ang kanyang password.

Ang caption ni Angelica noon: "Talaga nga naman.. Walang magawa!!! Pati instagram ko.... Hindi na kayo nakakatuwa. Ano bang nakukuha ng hacker dito? Hindi naman sya makikilala sa ginagawa nya. Hindi naman sya sisikat dito.. Bakit? Bakit nyo ko pinagiinitan? ??? anong meron sakin na wala ka? Kapag na hack mo ba accounts ko, ikaw na ko? Paki explain mo naman sakin yung purpose ng pag papanggap na ako..."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN