Jillian Ward not interested in becoming a beauty queen

Despite slowly transforming into a lovely young lady, Jillian Ward confesses that she has no plans of becoming a beauty queen. Instead, she confesses that she still nurtures her dream of becoming a singer someday: "Bata pa lang po ako, yun na po ang gusto kong gawin. Kapag kinukuha po ako sa mga shows, ang pagkanta talaga ang gusto ko. Gusto ko pong magkaroon ng album balang-araw."


Maraming naghihikayat na sumali sa beauty contest ang former Kapuso child actress na si Jillian Ward pagtuntong nito ng 18 anyos.

Kahit 11 pa lang siya ngayon, kapansin-pansing mas lalo pa siyang gumaganda at patuloy pa rin ang kanyang pagtangkad.

Kaya tiyak na pagdating ng kanyang debut ay pang-beauty queen na ang hitsura niya.

Natutuwa naman daw si Jillian sa mga taong gusto siyang maging beauty queen, pero ang gusto raw niya talaga ay ang maging singer.

“Bata pa lang po ako, yun na po ang gusto kong gawin.

“Kapag kinukuha po ako sa mga shows, ang pagkanta talaga ang gusto ko.

“Gusto ko pong magkaroon ng album balang-araw.

“Marami po akong songs na gustong kantahin, lalo na yung songs ng mga favorite singers ko.

“Sana po one day magkatotoo iyon,” pahayag pa ni Jillian nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng GMA primetime teleserye na Poor Señorita.

BONDING WITH REGINE. Ikinatutuwa ni Jillian na makasama si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa Poor Señorita dahil isa raw ito sa paborito niyang singers.

Pinaalala pa namin kay Jillian na paboritong kantahin niya noon sa press noong bata pa siya ay ang awitin ni Regine na “Isang Lahi.”

“Opo, natatandaan ko pong kinakanta ko iyon,” tawa pa niya.

“Hindi nga po ako makapaniwala na kasama ko si Ate Regine sa isang show.

“Dati po pinapanood ko lang siya noon. Ngayon marami kaming mga eksena parati sa teleserye.

“Kapag break nga po namin, kumakanta kami.

“Dream ko rin po na maka-duet si Tita Regine. Ngayon ay natutuwa po ako na kasama ko siya.

“Ang bait-bait po niya sa amin. Lagi po siyang nakikipagkuwentuhan kapag nasa set kami.

“Tapos, kakanta po kami ng konti. Ang saya lang po,” ngiti pa ni Jillian.

Ang maganda kay Jillian ay kahit na may teleserye siya, hindi niya napapabayaan ang pag-aaral niya sa Montessori International School.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN