Former Little Miss Philippines winners Aiza Seguerra and Lady Lee reunite

See former child stars Aiza Seguerra and Lady Lee reunite. The two were both discovered in Eat Bulaga's Little Miss Philippines. Aiza joined in 1987 while Lady Lee joined in 1990.


Nag-reunite ang dalawang dating child stars ng Eat Bulaga! na sina Aiza Seguerra at Lady Lee o Ma. Cristina Edrosa Lee sa totoong buhay.

Ipinost ni Liza Diño, partner ni Aiza, ang larawan nina Aiza at Lady Lee sa Instagram nitong Linggo, April 11.

Caption dito ni Liza: “Rare MOMENT: my love @aizaseguerra with co-child star na di na child ngayon, LADY LEE! It's so good to see them together.”

Sa isa pang post ni Liza, makikita sila ni Aiza kasama si Lady Lee at ilang non-showbiz friends, habang kumakain sa isang restaurant sa Angeles City, Pampanga.

Base sa iba pang Instagram posts nina Liza at Aiza, dumalo at nag-perform si Aiza sa Castaway Music Festival na ginanap nitong Linggo sa San Fernando, Pampanga.

My kind of BUFFET! It's a Sisig Party at Aling Lucing's last night in Angeles, Pampanga ?? saraaaaap!!!

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on

Nagkasama sina Aiza at Lady Lee sa Eat Bulaga! at parehong na-discover nang sumali sa "Little Miss Philippines" ng magkaibang taon.

Sumali si Aiza noong 1987 sa nasabing kiddie pageant, kung saan siya nadiskubre ni Vic.

Itinanghal naman bilang Little Miss Philippines-Luzon si Lady Lee noong 1990, na siyang naging daan din upang madiskubre at mapasok sa longest-running noontime show sa bansa.

Bukod sa Eat Bulaga, sumikat din ang dalawa sa paggawa ng mga pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN