Regine Velasquez backs DOLE-recommended production hours in showbiz

Regine Velasquez: "It's good to regulate the working hours kasi medyo hindi na rin makatarungan na magtrabaho ka ng twenty-four hours. Minsan kami rin ang dahilan ng delays so magkakaroon tayo ng discipline talaga, sa production, lahat."


Nagbigay ng reaksiyon si Regine Velasquez sa inilabas na rekomendasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) kaugnay sa 14-hour working limit ng mga nagtatrabaho sa showbiz industry.

Inirekomenda ng DOLE sa producers at TV stations ang eight-hour working conditions na may maximum 14 working-hours limit sa taping at shooting.

Pahayag ni Regine, “Alam ko na medyo magiging mahirap not just for the network but for all of us, sa production din, kasi maikli na yung working time.

“But it’s good to regulate the working hours kasi medyo hindi na rin makatarungan na magtrabaho ka ng twenty-four hours.

“Ako hindi masyadong affected kasi mayroon nga akong cut-off, but for the others, especially sa production.

“Aanhin mo yung may pera ka ’tapos pambabayad mo lang sa ospital?

“It’s really more of… we just wanna take care of our health; it’s a quality of life more than anything else.

“Nagpasasalamat ako sa mga artistang ipinaglaban ito, nagpapasalamat din ako sa mga network for understanding.

“Kasi, more than anybody else, sila talaga yung affected by the… yung bagong sistema.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine tungkol sa usaping ito nitong Linggo, April 10, sa grand kick-off sa SM City Bacoor sa Cavite ng kanyang PLDT Home The Regine Series Nationwide Tour.

CUT-OFF. Kahit nga raw siya na may cut-off ng 12 midnight ay nahihirapan din sa pagte-taping lalo na ngayong summer.

Saad ng Asia's Songbird, “Mahirap e, especially nowadays na ang init-init.

“Nagte-taping ka hindi mo alam kung saan ilalagay yung sarili mo sa sobrang init, yung tagaktak yung pawis mo.

“Sometimes, I can’t even remember my lines kasi I have a headache.

“I have a cut-off na hanggang twelve [midnight] lang ako, pero to tell you the truth ], talagang hirap na hirap akong mag-taping.

“Siguro kasi mas madyonders [matanda] na rin ako ngayon. I haven’t worked (sa teleserye) in like five years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hirap talaga ako. Pero yun na nga, nagpapasalamat ako sa network for understanding.

“Hopefully this will benefit all of us naman kasi tuturuan din tayo lahat ng disiplina nito, e.

“Kaming mga artista, minsan kami rin ang dahilan ng delays..

“So, magkakaroon tayo ng discipline talaga, sa production, lahat.

“Magiging madisplina, mas magiging maayos ang sistema ng pagtatatrabaho dahil shorter na iyong time.”
 
Matagal na raw sinusunod ni Regine ang pagkakaroon niya ng cut-off ng 12 midnight sa pagtatrabaho.

“Dati na yung twelve [midnight] talaga kahit noong nagmo-movies pa lang ako, kasi nagma-migraine ako, e.

“At saka on time yung migraine ko, pag mga 11:30, masakit na yung ulo ko.

“So, I have to take… and I used to take this medicine.

“I have to take it ng eksaktong 12 kasi aantukin na ako, makakatulog na ako, para siyang valium.

“Kasi ang problema sa akin, mababaw akong matulog. So, nung nagma-migraine ako, I have to take it.

“So, ever since, twelve o’clock na talaga yung cut-off ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN