Regine Velasquez admits to being more sensitive now about kissing scenes

Regine Velasquez says she had a heart-to-heart talk with son Nate before embarking in this new phase in her career. "Pero siyempre naninibago pa rin yun kahit alam kong naiintindihan niya. Siyempre, iba pa rin yung nandoon ako, yung nandoon si Mommy."


Gustuhin man daw ni Regine Velasquez, dahil sa pag-aalala sa kanyang anak na si Nate, hindi pa rin daw siya makaiwas sa mga kissing scenes kung kinakailangan ito sa kanyang trabaho.

Saad ng Asia's Songbird, “It’s part of my job.

“As much as I don’t really… I guess it’s really different na when you’re a mom.

“Kasi dati parang tira lang, akala ko it won’t change, pero ngayon parang mas sensitive ako.

“Kasi he [Nate] might ask me questions, I don’t want to confuse him.”

Nagre-react na ba si Nate sa kissing scenes niya katulad ng sa kanila ni Mikael Daez sa Poor Señorita?

“Parang hindi niya nakita, hindi niya pinanood.

“Yung first episode pinanood niya. Kinukuwento pa nga niya sa akin kung ano yung pinanood niya.

“Pero I think the following episode, hindi na niya napanood, hindi ko rin pinapanood sa kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Regine nitong Linggo, April 10, sa grand kick-off sa SM City Bacoor sa Cavite ng kanyang PLDT Home The Regine Series Nationwide Tour.

Naging guests ni Regine sa naturang concert at the mall sina Daryl Ong, That’s My Bae boys, at ang impersonator niyang si Regina.

Guests of honor naman ang PLDT executive na si Chaye Cabal-Revilla at ang asawa nitong si Bacoor City Mayor Strike Revilla.
 
WORKING MOM. Mas madalas na wala sa bahay ngayon si Regine dahil nga may ginagawa siyang teleserye.

Ipinaliwanag daw niya ito kay Nate.

“Before I started working, I had to talk to him, like for two weeks pine-pep talk ko talaga siya.

“‘Mommy’s going back to work na. Mommy’s not gonna be with you every day, but daddy will take care of you. And lola’s going to be here,’ mga ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nakikinig naman siya, every day kinukulit ko iyon for two weeks.

“So ngayon, alam na niya, sometimes he goes, ‘Mommy, di ba, you have work?’ May ganun siya.

“Pero pag Wednesday, ‘Today you don’t have work, di ba? So, you’ll be with me, di ba?’

“My taping is Monday, Tuesday. I’m off Wednesday. Thursday, Friday, I’m taping again.”

Hindi ba nag-i-insist si Nate na sumama sa kanya sa taping?

Sabi ni Regine, “I can’t, e kasi medyo mahirap yung lugar, medyo hikain yung anak ko.

“Hindi ko masyadong ma-trust na hindi magkakasakit pag dinala ko sa taping, so I can’t.

“Siguro pag mas okay yung location, I’ll be able to bring him.”

Natutuwa nga si Regine dahil mas nakakaintindi na raw si Nate ngayon.

“Maganda nga yung age na ito, he’s four years old, he can understand. I can already talk to him.

“Yung kaya na, puwede na, yung maiintindihan na niya nang konti.

“Pero siyempre, naninibago pa rin yun kahit alam kong naiintindihan niya.

“Siyempre, iba pa rin yung nandoon ako, yung nandoon si Mommy.”
 
NATIONWIDE TOUR. Bukod sa kanyang teleserye, magiging abala rin si Regine sa PLDT Home The Regine Series Nationwide Tour.

Ang naturang free concert at the malls na isinasagawa niya with PLDT ay nagsimula last year dito sa Metro Manila. Pero ngayon ay dadalhin na nila ito sa mga mall maging sa probinsiya.

Isasama niya ba si Nate sa Nationwide Tour niya?

Sabi ni Regine, “Kung kaya, kung puwede namang mag-stay for a while.

“Mahirap kasi yung… normally kasi halos overnight lang ako.

“Minsan nga hahatakin ko pa [sa schedule ko]… fly in, fly out.

“So, kung mayroong time in the future. Pero kung hindi, siguro huwag na.”

Masaya naman si Regine na ang concert series niya sa malls dati ay nationwide tour na ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Last year I had five mall shows. This year, they decided na gawin nang nationwide kasi naging successful yung unang mall shows.”

Ganadong-ganado nga si Regine sa pag-perform. Sulit na sulit ang mga nanood dahil maraming kinanta si Regine sa SM Bacoor kick-off.

Biniro pa ng PEP ang Songbird na bigay na bigay siya sa pagkanta na tila nasa malaking venue ang concert niya.

Paliwanag niya, “Ganun ba? E, kasi siyempre kahit na libreng concert ito, concert pa rin ito para sa akin.

“At saka, like I said, I missed singing so much that when I’m singing I really give it my all.

“Para matuwa din naman yung mga nagsa-shopping at yung mga magsu-subscribe sa PLDT at kukuha ng plans.”

Anong satisfaction ang nakukuha niya sa mga ganitong mall shows at concert at the malls?

Ayon sa Kapuso singer-actress, “Sa akin, I’m more comfortable singing in a smaller venue, yung kita ko yung tao, yung mas malapit sa aking yung tao.

“Mas comfortable ako doon kaysa yung malayo. I don’t know why, pero mas gusto ko yung mas nakikita ko yung mukha, yung expression.

“Pag kinakantahan ko, nakukuha nila kung ano yung kinakanta ko, so I’m feelign more comfortable singing like that.”

GAY WANNABES. Bukod sa free concert, nadagdagan pa ng sing-alike contest ang kanyang nationwide tour para sa mga Songbird wannabes at talagang umiidolo sa kanya.

Ang isang contestant nga ay hindi napigilang maiyak nang makasama niya sa stage si Regine sa isang production number.

Ayon kay Regine, “Dati wala naman, ngayon may pa-singing contest. Ang cute nga, e.

“Siyempre I’m very flattered at natutuwa naman ako.

“Kasi more than anything else, siguro yun ang pinakagusto ko with my job, na I’m able to inspire young singers.

“And also kasi I’m sure nakaka-relate sila sa buhay ko, how I started, na nanggaling ako sa wala, sumali akong singing contest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos dahil nagdasal ako and I worked hard, natupad lahat yung mga pangarap ko.

“I’m sure nakaka-relate sila doon, that’s why natutuwa sila.”

Ano ang feeling niya na ang nanalo sa sing-alike contest na si Renzlie Perez ay isang bading at may iba pang Regine wannabes na mga beki rin?

“Iyon ang hindi ko naiintindihan. Actually, hindi lang ako nagugulat, naloloka ako nang bonggang-bongga!” biro ni Regine sabay tawa.

Ang susunod na leg ng nationwide tour ay sa Cebu at Pampanga sa July, pagkatapos ay sa Davao at SM Megamall sa August.

Bukod sa free concert, ipino-promote din ni Regine sa nationwide tour na ito ang The Regine Telset Series ng PLDT na kinabibilangan ng limited edition landline phones sa halagang P99 per month na dagdag sa existing subscription.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN