Lea Salonga criticizes rude audience at Les Miserables show

Ikinairita ng Broadway star na si Lea Salonga ang pag-uugali ng ilang mga nanood ng Les Miserables sa Solaire Resorts & Casino. May iba raw na dighay nang dighay, laging gumagamit ng telepono, at may mga sumsabay pa sa pagkanta sa cast members.


Hindi ikinatuwa ng Pinay Broadway star na si Lea Salonga ang hindi kanais-nais na kilos ng ilang mga taong nanood sa Manila run ng Les Miserables, kung saan tampok ang kababayan nating si Rachelle Ann Go.

Sa kanyang Twitter at Facebook account, ramdam ang pagkadismaya ni Lea sa decorum ng mga taong nakabili nga ng mamahaling tickets pero hindi raw talaga nabibili ang pagiging "class."

Narito pa ang isang payo ni Lea na dapat ipairal na pag-uugali ng mga manonood ng isang global production:

RESPECTING THE CAST AND FELLOW AUDIENCE. Ayon pa sa The Voice of the Philippines coach, hindi karaoke bar ang teatro kaya huwag daw sabayan ang mga artistang gumaganap sa play.

Ito raw ay pagpapakita ng respeto sa mga taong bumubuo ng show at sa kapwa nila audience members.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN