Former TV5 contract star Ritz Azul is now a Kapamilya

After five years in TV5, Ritz Azul moves to ABS-CBN. Ritz signed a two-year exclusive contract with the Kapamilya network earlier today, April 12.


Isa nang Kapamilya ang dating TV5 contract star na si Ritz Azul matapos siyang pumirma ng two-year exclusive contract sa ABS-CBN ngayong araw, April 12.

Kasama sa naturang contract signing ang ama ni Ritz na si Richard Azul; gayundin sina ABS-CBN president Carlo Katigbak, ABS-CBN COO Cory Vidanes, ABS-CBN TV production head Lauren Dyogi, Dreamscape unit head Deo Endrinal, at Star Magic head Johnny Manahan.

Welcome the Kapamilya Network @ritzazul ! @dreamscapeph @starmagicphils @kapamilyathankyou

A photo posted by Roberto Antonio J. Arboleda (@biboy_j_arboleda) on

Ayon sa Instagram account ng ABS-CBN Corporate Communications, ang unang magiging proyekto ni Ritz bilang Kapamilya ay ang primetime series na FPJ's Ang Probinsyano, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya ngayong isa na siyang ABS-CBN talent, sabi ni Ritz: “Out of words po ako. Sobrang blessed at sobrang saya po.”

Si Ritz ay naging runner-up sa artista search ng TV5 na Star Factor noong 2010.

Bilang isang Kapatid, naipakilala rin siya bilang isa TV5 Primetime Princesses—kasama sina Alex Gonzaga, Arci Muñoz, Eula Caballero, at Jasmine Curtis-Smith.

Kabilang sa mga naging teleserye niya sa TV5 ang mga sumusunod: Mga Nagbabagang Bulaklak (2011), Glamorosa (2011), Misibis Bay (2013), at For Love or Money (2013).

Nag-expire ang kontrata ni Ritz sa TV5 noong Enero 2016.

Bago ang pagpirma niya sa ABS-CBN, napanood si Ritz sa GMA-7 shows na Bubble Gang at Ismol Family.

Banana boat ride with these gorgeous girls of Bubble Gang! #summer2016 photo from Valeen ???

A photo posted by Ritz Alzul (@ritzazul) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN