Marian Rivera reveals Baby Zia gets paid higher from endorsement than she does

by Rommel R. Llanes
Apr 13, 2016
Marian Rivera says showbiz for Baby Zia is farthest from her mind. "Mag-aral muna siya, lumaki muna siya, mag-aral siya bago siya bago siya mag-artista o anumang gusto niyang gawin sa buhay niya."

Mapapanood na sa commercials ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Maria Letizia o Baby Zia, pero kung sakaling may mag-offer dito na lumabas sa palikula ay hindi raw papayag ang Kapuso royal couple.

Paliwanag ni Marian, “Ay naku, mag-aral muna siya, lumaki muna siya.

“Mag-aral siya bago siya bago siya mag-artista o anumang gusto niyang gawin sa buhay niya.

“Pero nakaka-proud, kasi after kong makita [ang commercial na ginawa nila ni Baby Zia] sabi ko nga kay Dong, ‘Ang arte ko, ‘no?’

“Naiiyak ako na magkasama kami sa picture tapos nag-e-endorse kami, iba pala yung pakiramdam.

“Ganun talaga ang mga first-time mom, very sensitive talaga.”

Inamin din ni Marian na mas malaki ang talent fee ni Baby Zia kaysa sa kanila ni Dingdong.

“O, sige, isa lang ang sasabihin ko, ha, yung TF ng anak ko, mas mataas sa aming dalawa.”

At lahat ng perang kikitain ni Zia ay hindi raw nila gagalawin.

Continue reading below ↓

Saad ng GMA Primetime Queen, “Sige, ganito, para at least alam niyo rin ang sitwasyon.

“In-open namin ng PNB account ang anak ko para lahat ng kikitain niya ay ilalagay namin dun sa bangko na yun.

“Pagdating ng eighteen [years old], ibibigay naming lahat ng pinaghirapan niya.

“Ni isang kusing, wala kaming kukunin sa kanya.”

Sa ngayon ay may humigit-kumulang sampung product endorsements na nakalinya para kay Baby Zia.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera says showbiz for Baby Zia is farthest from her mind. "Mag-aral muna siya, lumaki muna siya, mag-aral siya bago siya bago siya mag-artista o anumang gusto niyang gawin sa buhay niya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results