Joyce Bernal keeps reasonable work-hours in her own projects

Joyce Bernal: "Kung ano ang kaya ko, kung ano ang turf ko, dun ko ginagawan ng sistema. Ako yung nagbabago, sa proyekto ko mismo."


Bago pa man irekomenda ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing 14 working hours ang oras ng pagtatrabaho ng mga tao sa produksiyon sa telebisyon at pelikula ay naipatupad na ito ng direktor na si Joyce Bernal.

“Eleven or twelve, I make it a point na tapos na ako before twelve.

“Kaya lang minsan, most of the time, eleven tapos na ako.

“My M-W-F is my taping day, T-Th-S is my meeting days. Channel 7, four soaps ago.”

Para kay Direk Joyce, lahat ay magbebenipisyo sa inirerekomendang 14 working hours ng DOLE kung matutuloy ito at susuportahan ng lahat ng networks.

“Sa akin, yung fourteen hours, it’s a protection for everyone.

“Kami, magtrabaho kami ng fourteen hours. Bilang director, malaki ang ibinabayad sa amin.

“Mula sa assistant director ko down, sila ang kawawa.

“Kailangan natin silang proteksyunan when it comes to working hours.

“It’s really our choice. Creative naman tayo, e, ayoko ring maglagay ng boundaries.

“Kaya lang, siyempre hindi naman lahat director, kaunti nga lang kaming director.

“So, kailangan kong i-protect yung mga kasamahan ko.

“Hindi ko magagawa ang gusto ko kung hindi sila kumportable.”

HER TURF, HER SYSTEM. Ayon pa kay Direk Joyce, matagal nang nabago ang halos walang tulugan at pahingang sistema ng taping at shootings; at sinimulan niya ito sa sarili niyang mga proyekto.

Saad ng That's My Amboy director, “Matagal nang maraming may gusto, mahirap lang talagang salingin ang networks, ang producers.

“Ako kasi, hindi ako katulad ng ibang tao na talagang kapag nakipaglaban, lumalaban nang todo, yung talagang ganun, out there.

"Ako, kung ano ang kaya ko, kung ano ang turf ko, dun ko ginagawan ng sistema.

“Ako yung nagbabago, sa proyekto ko mismo.”

Sa Instagram posts ng aktres na si Antoniette Taus ay nabanggit nito na rin ang pagbabago ng sistema ng working hours sa Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN, kung saan pagtungtong ng alas-dos ng madaling-araw ay pack up na raw sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Antoinette Taus lauds ABS-CBN's move to make positive changes in production

Bagay na ikinatuwa rin ni Direk Joyce.

Pahayag niya, “Naniniwala kasi ako dun, pero siyempre bilang naging producer na rin ako, naniniwala rin ako na sana makagawa ka pa rin ng marami.

“It means money, okay yun, maganda yun na gagawa ka ng bagong sistema ng disiplina, ng sistema.

“Para makatapos ka ng madami na hindi lang ikaw ang nagbe-benefit bilang director kundi lahat at yung show.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN