Actress-director Gina Alajar hits back at Alden Richards's bashers

Direk Gina Alajar to bashers who posted insults about Alden Richards: "If you don't have anything nice to say, don't even open your mouth."


Hindi pinalampas ng actress-director na si Gina Alajar ang ilang bashers na bumatikos kay Alden Richards matapos niyang mag-post ng throwback photo nila ng Pambansang Bae nitong Miyerkules, April 13.

Ni-repost ni Gina ang larawan nila ni Alden na kuha noong 2013 at nagbalik-tanaw sa malayong narating ng Kapuso actor.

“I directed him in his life story for Magpakailanman.

“In 2013, no Kalyeserye, no AlDub, no commercials yet…

“You have gone a long, long way @aldenrichards02. Very happy for you!

“Stay grounded and grateful.”

Sa comments section, may dalawang netizens ang nambash kay Alden.

Ang unang basher (@jamesrocks3131) ay tinawag ng mga mapang-insultong salita si Alden.

Comment pa nito, hindi raw sisikat si Alden kung hindi dahil sa Eat Bulaga! at kung hindi ipinareha kay Maine Mendoza, na tinawag naman niyang “Yaya Dog” at “walang talent.”

Hindi naman ito pinalampas ni Gina at sinita ang nasabing basher.

Ayon sa batikang aktres at direktor, kung wala ring masasabing maganda, huwag nang magsalita.

“@jamesrocks3131 hey! Wag ka mambastos dito sa wall ko ha. I didn’t post the photo for you.

“I posted it to remind Alden how blessed he is.”

Mensahe pa ni Gina: “Mga bashers wag n’yo I flood ang wall ko with your remarks.

“I don’t need 1 million comments na puro nonsense.

“IF YOU DON’T HAVE ANYTING NICE TO SAY, DON’T EVEN OPEN YOUR MOUTH.

“AND I’M REPORTING YOU.”

Tinawag pang “bogus account” ni Gina ang nasabing netizen.

Hindi binura ni Direk Gina ang mga komento ng nasabing netizen.

Isa pang basher (@anne_minho) ang inakusahan si Alden na "manggagamit" at "mayabang."

Aniya pa, kung hindi dahil kay Maine ay hindi sisikat si Alden.

Pinaalalahanan naman ng ibang AlDub fans ang kanilang kapwa fans at si Direk Gina na huwag nang patulan ang bashers na lumilikha lamang ng gulo sa mga supporters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN