Julie Anne San Jose ignores death threats from bashers

Julie Anne San Jose: "Excited ako dahil ang daming mangyayari sa May—birthday ko, concert, graduation, and my new album."


As always, hindi pa rin nawawalan ng bashers si Julie Anne San Jose dahil bukod sa mga batikos, nakakatanggap din siya ng mga pagbabanta sa buhay niya.

Saad niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko na pinapansin, kumbaga they're not worth my time.

“Saka they just hate you, kasi wala na silang magawa.

“Medyo OA lang po, OA lang po talaga [ang death threats].

“Natatakot din po ako, pero kung hindi po sila makakalapit sa akin, hindi ako matatakot sa kanila.

“Saka they don't really affect me and they don't bother me at all.

“They can't stop me from doing my job.”

LIFE-CHANGING EVENTS. Ang 22nd birthday, graduation day, 10th anniversary sa showbiz, at major concert sa Kia Theater na In Control ang ilan sa mga life-changing events para kay Julie Anne sa susunod na buwan.

Nasa Dean's List ang Kapuso singer-actress noong nakaraang semester.

Hindi pa niya alam kung magtatapos siya ng Mass Communication na may karangalan, pero hindi nawawala ang kanyang pag-asa.

“Sana pero hindi ko pa po alam, e. Nag-Dean’s list ako last sem,” ang hopeful na pahayag ni Julie Anne nang tanungin tungkol sa posibilidad na magtapos siyang cum laude sa school na pinapasukan niyang kolehiyo.

May kaba namang nararamdaman si Julie Anne para sa 10th anniversary show niya sa Kia Theater sa May 14, kaya naghahanda siyang mabuti para mapasaya ang kanyang loyal fans.

“It's gonna be a different one. Maraming pasabog.

“May mga production numbers ako with different people na naging part ng ten years ko sa showbiz.

“Nakalagay po sa poster, G-Force ang guest ko, pero marami pa po kami na surprise guests like Sugar Pop since doon po ako nanggaling bilang part sila ng ten years ko sa showbiz.

“Sobrang nakaka-miss lang po talaga na mag-perform ka with people na alam mo na lumaki ka with them. It's really nice to see them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Julie Anne, “Excited ako dahil ang daming mangyayari sa May—birthday ko, concert, graduation, and my new album.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN