Is Barbie Forteza really in love with leading man Andre Paras?

Barbie Forteza on what she likes most about leading man Andre Paras: "Pasensiyoso siya sa akin. Kasi, kahit na antok ako, makulit talaga ako at hindi siya ganun kakulit. Pero sa tagal ng pinagsamahan namin, never ko siyang nakitaan ng inis sa akin dahil makulit ako."


Natawa lang si Barbie Forteza sa obserbasyon ng mga manonood ng GMA primetime series na That’s My Amboy, na sa kanilang dalawa ni Andre Paras ay tilas mas siya ang may gusto sa kapareha.

“Mas talaga?!” bulalas ni Barbie nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa set ng kanilang teleserye sa GMA Network Annex building.

Paliwanag ng 18-year-old Kapuso actress, “Sobrang close kasi namin ni Andre.

“So, kapag may mga ganung eksena, ang dali na naming magawa na parang ang dali na siyang harutin, kasi close naman kami sa personal.”

Natatawang dugtong din niya, “At talagang hindi ko sinasagot, di ba? Iniiba ko!”

Kapag hindi niya sinasagot nang diretso ang isang tanong, mas lalong iisipin ng mga tao na may gusto nga siya kay Andre.

Sabi ni Barbie tungkol dito, “Hindi naman mahirap magka-crush sa isang katulad ni Andre.

“Kasi gentleman naman, mabait, at saka willing siyang matuto kapag may sinasabi ako sa kanya.”

May paghanga na ba siya sa kanyang leading man?

Sagot niya, “Naa-appreciate ko ang willingness niyang matuto... hindi, totoo talaga yun.”

Mahirap para sa kanyang sagutin ang tanong ng “yes” or “no” lang?

“Or?!” tawa na naman niya.

IS BARBIE IN LOVE? Idinaan na naman ni Barbie sa tawa ang sagot nang tanungin kung in love ba siya ngayon.

“Gusto niyo yung parang sayang ang punta niyo? Wala akong sinagot!” natawang biro niya.

Ngumiti lang si Barbie nang tanungin ulit namin kung in love nga ba siya ngayon.

In love ba siya kay Andre o may ibang nagpapasaya sa kanya?

“Inspired ako, yun na! Yun na ang pinaka-safe answer ko,” sabi niya.

Kumusta ba ang pakikitungo sa kanya ni Andre?

Ayon kay Barbie, “Ano siya, pasensiyoso siya sa akin. 

“Kasi, kahit na antok ako, makulit talaga ako at hindi siya ganun kakulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero sa tagal ng pinagsamahan namin, never ko siyang nakitaan ng inis sa akin dahil makulit ako.

“Minsan nga, nakiki-ride pa siya sa akin kaya minsan, parang ako na yung nagla-lie low nang konti. 

“At saka parehas kaming chubby cheeks, yun ang isa rin sa gusto ko sa kanya.”

Sa tingin niya, ano ang gusto ni Andre sa babae?

“Matangkad!” natawang sagot niya.

Dagdag ni Barbie, “Feeling ko, ang gusto niya sa girl, quiet pero nagtsi-cheer sa kanya.”

REJECTION. Marami ang humahanga kay Barbie sa pagganap niya bilang si Maru sa That’s My Amboy. Parang damang-dama raw nito ang mga pinagdadaanan ng kanyang karakter.

Sa totoong buhay, nasaktan na ba siya dahil sa love?

Sagot ni Barbie, “Parang ang bata ko pa sa love, siguro infatuation.” 

So, nasaktan na nga siya dahil sa pag-ibig?

“Oo,” pag-amin ng dalaga.

“Pero sandali, ang hirap ngang i-consider na love. Hindi todong sakit, e. 

“Lahat kasi ng naramdaman kong rejection, hindi para maramdaman ko yung naramdaman ko as Maru. Hindi ko rin alam saan nanggaling.

“Happy naman ako.”

Ipinapaliwanag namin kay Barbie yung rejection na naranasan niya.

Sabi niya, “Well actually, ang ganda ko, ako ang nangre-reject!

“Kasi nga nasaktan ako, kaya ako ang nangre-reject.

“Hindi ko hinahayaan na ako ang nire-reject.”

Bakit siya nasaktan?

“Kasi maarte ako, marami akong gusto sa buhay, pero hindi nila nami-meet ang expectations ko.

“So, nasasaktan ako at nire-reject ko na lang sila.”

Nagkaroon na talaga siya ng relasyon?

“Hindi, nire-reject ko nga,” diin ni Barbie.

Sa tagal na niya sa showbiz at ilang young actors na rin ang naipareha sa kanya, hindi ba talaga siya nagkaroon ng crush o ugnayan sa mga ito?

Paglilinaw ng Kapuso star, “Hindi ko naman po sinasabing hindi ako nagkaka-crush.

“Nagkaka-crush ako, pero hindi para masyadong ituon ang pansin ko sa bagay na yun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Ang plastic ko ba?

“Okey, hindi pa ako dumarating sa point na nasaktan ako katulad ng sakit na nararamdaman ni Maru.

“Siguro yung mga maliliit na pain ko before, napagsama-sama ko lang siya kaya siya lumaki ng ganun. Kaya ko siya nagawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN